Viy at Cong TV ikinalungkot ang pagkawala ng baby

Imahe mula sa Instagram | Viy Cortez
  • Maraming biyayang dumating para sa vlogger na si Viy Cortez ngayong taon
  • Ngunit bago matapos ang taon ay nalaman niyang may panibago siyang blessing dahil nagdadalantao siya
  • Sa kasamaang palad ay nakunan siya dala na rin daw marahil ng stress sa negosyo at paglilipat-bahay

Wala pang isang linggo nang malamang nagdadalantao siya ay nakunan ang vlogger at entrepreneur na si Viy Cortez, ang girlfriend ng kapwa YouTuber na si Cong TV.

Sa isang 12-minutong video ay ibinahagi ni Viy ang nakalulungkot na balitang ito. Panimula ni Viy, marami siyang natanggap na biyaya ngayong taon – negosyo, endorsement, bahay, at sasakyan. Ngunit bago matapos ang 2020 ay dumating ang pinakamagandang biyaya para sa kaniya.

Imahe mula sa video ni Viy Cortez via YouTube

“Last Dec. 12, meron Siyang binigay pa ulit na isa pang blessing na ‘yon siguro ‘yong pinakamagandang blessing na makukuha ko ngayong 2020 which is… nalaman ko na buntis ako,” ani Viy.

Noon daw ay nalaman niyang six weeks pregnant na siya kaya naman laking tuwa nila ni Cong. “Sobrang saya. Ang dami ko nang plano. Ang dami naming plano ni Cong,” pagbabahagi niya.

Ipinaalam na raw nila sa kanilang mga kapwa vlogger at mga magulang ang kanilang sitwasyon. “Humingi kami ng paumanhin dahil nabuntis nga muna ako bago kami ikasal. Okay na, natanggap,” sabi pa ng emosyonal na si Viy.

Imahe mula sa Instagram | Viy Cortez

Ngunit ilang araw lamang ang nakalipas ay dinugo raw si Viy. Kinabukasan ay nakumpirma nila na nakunan nga siya. “Gusto ko lang sa inyong i-share na dumating siya, blessing siya ni Lord pero siguro ganoon talaga. Hindi pa tamang oras at darating din ‘yong tamang oras.”

Palagay ni Viy, nakunan siya dahil sa stress dala ng kaniyang negosyo at paglilipat ng bahay.

Pinalakas niya rin ang loob ng mga dumaraan din sa parehong sitwasyon.

“Sa mga nakakaranas ng kagaya ng naranasan ko ngayon, kung meron man, siguro may dahilan lahat. Ayokong kwestyonin ang Diyos. Gusto kong magtiwala sa kaniya kung bakit. Siguro kailangan ko ring magpahinga. Yung health ko alagaan ko pa,” aniya.

Panoorin ang kaniyang video:

Source :

YouTube

Loading…