VP Leni natuwa sa mga kritiko dahil kinilala siyang bise presidente noong VickyPH

  • Natutuwa umano si VP Leni sa kaniyang mga kritiko dahil kinilala na raw siyang bise presidente ng mga ito
  • Naging trending kasi sa Twitter kamakailan ang hashtag na #NasaanAngBisePresidente dahil sa hagupit ng bagyong Vicky sa Mindanao
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento

‘Ikinatuwa’ umano ni Vice President-elect Leni Robredo ang pagkilala sa kaniya bilang bise presidente ng kaniyang mga kritiko, matapos maging trending ang hashtag na #NasaanAngBisePresidente sa Twitter,  sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Vicky nitong Biyernes, Disyembre 18, 2020 sa katimugang bahagi ng bansa.

“Ina-acknowledge na nila na ako ang pangalawang pangulo kasi ‘di ba ang tawag nila fake VP. May picture pa ako. So ako ‘yung bise presidente na hinahanap nila. Kaya nakakatuwa,” saad ni VP Leni.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Can’t wait for May 2022! Madam Leni Robredo truly deserves to be the highest leader of our land. She’s got all the qualities of a great leader!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Huwag feeling VP sila na mismo nagsabi wala silang natanggap na message from your office… credit grabber ka na naman.”

“You seem confused. Sarcasms are made to confuse and expose the idiots, those lacking in the ‘brain’ department. hay naku,” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Tama lang po ‘yang ginagawa mo, VP Leni, hayaan sila na magsawa mangutya at magpukol ng bato sa iyo, ganyan po ang ginawa ng mga Hudyo kay Kristo na pilit ipinako sa krus. Ang katotohanan at katwiran ay siyang mangingibabaw sa takdang panahon, hintayin ang kalooban ng Diyos sa atin.”

Public Domain Image

Matatandaang hindi kinikilala ng mga kritiko ang pagiging bise presidente ni Madam Leni dahil nga sa protesta ni dating senador Bongbong Marcos o BBM laban sa kaniya, na nandaya umano siya sa nakaraang 2016 presidential at vice presidential election, kung saan nanalo naman si Pangulong Rodrigo Duterte.

Source :

News 5

Loading…