VP Robredo inilunsad ang housing project para sa mga tinamaan ng bagyo

Screenshot mula sa Facebook video ni VP Leni Robredo
  • Inilunsad ng tanggapan ni VP Robredo ang proyektong pabahay para sa mga naapektuhan ng bagyo
  • Sisimulan ang naturang proyekto sa Guinobatan, Albay sa Bikol
  • Humhingi rin ng tulong ang OVP para makabuo ng sapat na workforce

Naglunsad ng housing project ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo upang tulungang makabangong muli ang mga Pilipinong naapektuhan ng sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa nitong mga nagdaang buwan.

Sa pamamagitan ng BAHAYanihan, sisikapin ng Pangalawang Pangulo na patayuan ng ligtas na bahay ang mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa nagdaang kalamidad.

Imahe mula sa Twitter ni VP Leni Robredo

“Sa pagbuo ng mga bagong tahanan, susi ang bayanihan! Together with our partners, the Office of VP Leni Robredo introduces BAHAYanihan, our initiative that seeks to build safer homes for families rising from the recent typhoons,” ani Robredo sa kaniyang Facebook account.

Sisimulan ang naturang proyekto sa Guinobatan, Albay na isa sa mga bayang labis na naapektuhan ng bagyong Rolly noong Nobyembre dahil sa pagragasa ng lahar mula sa paaanan ng Bulkang Mayon.

“We’re starting Bahayanihan in Guinobatan, Albay, to help families who lost their houses to the lahar flow during Rolly. They are currently stuck at evacuation centers with nowhere else to go. The relocation site was provided by the LGU,” ayon pa sa Bise Presidente.

Ang pondo umano ng nasabing proyekto ay magmumula sa bahagi ng donasyon para sa Kaya Natin at ibibili ito ng mga construction materials.

Imahe mula sa Twitter ni VP Leni Robredo

Samantala, nakikipagtulungan din ang Office of the Vice President (OVP) sa Bicol University, United Architects of the Philippines at JCI Legazpi para sa maayos na kalidad at matibay na disenyo ng itatayong bahay.

“We’re partnering with Bicol University College of Engineering, United Architects of the Philippines Daraga-Cagsawa Chapter and Elliptical Chapter, and JCI Legazpi to ensure the quality of the houses,” wika pa ni Robredo.

Humihingi rin ng tulong ang OVP upang makabuo ng sapat na labor workforce para naman maitayo ang mga bahay sa mga apektadong lugar bago dumating ang Kapaskuhan.

Maaari lang umanong makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan o kaya ay magpadala ng email [email protected] o kaya ay magsign-up sa BAHAYanihan.

Loading…