WATCH: Baby Amari tila nais sabayan ang pag-awit ng kaniyang Daddy Billy

Imahe mula sa Instagram | Billy Crawford at Coleen Garcia
  • Marami ang natuwa sa video na ibinahagi ni Billy Crawford kasama ang anak na si Amari
  • Habang kinakantahan kasi niya ito ng ‘Don’t Worry, Be Happy’ ay tila nais na sumabay ng kaniyang baby boy
  • Maging ang asawang si Coleen ay natuwa sa bonding na ito ng kaniyang mag-ama

Umantig sa netizens ang father and son bonding na ibinahagi ni Billy Crawford sa kaniyang Instagram kasama ang anak na si Amari.

Imahe mula sa Instagram | Coleen Garcia

Makikita rito na inaawit ni Billy ang kantang “Don’t Worry, Be Happy” ni Bobby McFerrin. Cute na cute naman ang reaksyon dito ni Amari na makikitang ngumingiti at tila nais na sabayan sa pagkanta ang kaniyang daddy. “All time favorite song since before birth! Happy little man,” sabi ni Billy sa caption.

Ibinahagi rin ng kaniyang asawang si Coleen Garcia ang video na ito sa kaniyang Instagram account at sinabing ito ang happy song ng kanilang three-month-old na anak.

Hindi napigilan ng ilang netizens na mag-iwan ng komento sa adorable moment sa pagitan ng mag-ama. “I feel like he is trying to sing with you. Wah so cute,” sabi ni Mikee A.

Imahe mula sa Instagram | Coleen Garcia

“He is learning the song and trying to sing,” dagdag ni Audrey M.

Setyembre nang isilang ni Coleen si Amari sa pamamagitan ng water birth. “There’s so much I want to say, but for now, I just want to praise God for being so, so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari,” sabi niya noon.

Samantala, si Billy naman ay proud na nagbahagi ng ilang kuha mula sa panganganak ni Coleen. “I have nothing but respect and gratitude for you. I am so proud to be your husband and equally proud to be the father of our beautiful angel, Amari. I love you, my two little everythings,” saad noon ni Billy sa kaniyang post.

Panoorin dito ang video:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)

Loading…