Well-trained na aso, kinagiliwan ng netizens

Imahe mula sa Facebook | John Marquez
  • Napabilib ang netizens sa disiplinang ipinakita ng isang aso nang hindi ito magtangkang kumain sa tindahan ng dog food
  • Makikitang napalilibutan siya ng samu’t saring pagkain ngunit hindi siya tumikim nito
  • Ayon sa uploader, tila napakakain sa tamang oras ang aso kaya pasensyoso ito

Napahanga ang netizens sa isang aso na nagpakita ng disiplina kahit pa humarap siya sa napakaraming “tukso.”

Ibinahagi ng netizen na si John Erickson Marquez ang larawan ng isang aso na makikitang nakatayo sa gitna ng sako-sakong dog food. Kahit pa puwede niyang tikman ang mga ito ay hindi siya natukso.

Imahe mula sa Facebook | John Marquez

“The dog never attempted na kumain ng kahit isa kasi tinawag ko siya tapos hindi siya nagmadaling umalis or what. Just a simple reaction lang na tumingin siya tapos bumalik sa pwesto niya,” pagbabahagi ni John.

Makikita rin daw sa larawan na diretso ang tingin ng aso at hindi nito tinitingnan ang mga pagkain.

“If you are going to observe ‘yong head niya naka-straight lang which means hindi siya sa pagkain nakatingin,” dagdag pa niya.

Paliwanag niya, maaaring hindi pagkain ang pakay ng aso kaya ito naroon. “Maybe nagbabantay siya kasi ‘yong bantay ay nagkikilo nung binili namin na dog food.”

Imahe mula sa Pixabay

Hanga raw si John sa may-ari ng aso dahil sa naging asal nito. “Thumbs up sa owner nung dog kasi based on the behavior nung aso, hindi siya ginugutom kaya walang dahilan na kumain siya without permission,” sabi niya pa. “The behavior of our pets will depend on how we treat them.”

Napahanga rin ang netizens sa kontrol ng aso. “Well-trained si baby dog. Ganiyan din mga alaga ko. Kahit nakapatong lang ang food sa maaabot nila, hindi nila ginagalaw hangga’t hindi sinasabing sa kanila ‘yong food na ‘yon,” sabi ni Jenny. F.

Biro naman ni G. Ubaldo, baka natulala lang talaga si doggy dahil akala niya ay nananaginip lang siya sa dami ng pagkain sa kaniyang harapan.

Good job, fur baby!

Source :

Facebook

Loading…