Willie dismayado sa ‘di pagsipot ni Miss Manila sa ‘Wowowin’

Imahe mula sa YT/ Push
  • Dismayado si Willie dahil hindi tinupad ni Miss Manila ang kaniyang pangako
  • Ang beauty queen sana kasi ang co-host ni Kuya Wil noong Lunes
  • Nangako naman si Miss Manila Alex Abdon na magpapaliwanag ito

Dismayado si Willie Revillame sa hindi pagtupad ni Miss Manila Alexandra Abdon sa pangakong dadalo ito sa Wowowin para maging co-host noong Lunes, Disyembre 14.

Inimbitahan kasi ni Kuya Wil ang beauty queen upang ‘pagharapin’ sila ni Herlene “Hipon Girl” Budol matapos ang diumano’y naging ’hidwaan’ ng dalawang dalaga sa ginawang photoshoot ng isang produkto kamakailan.

Screenshot mula sa You Tube

Subalit sa hindi pa malamang dahilan ay hindi sumipot si Abdon kaya disappointed ang Wowowin host.

“Sorry hindi ka namin magi-guest na. Hindi mo kami binigyan ng pagkakataon na makilala at makasama ka,” ani Willie sa kaniyang programa noong Lunes.

Sayang daw kasi dapat siya ang co-host ni Kuya Wil kasi nga naman nagcommit si Abdon na darating siya. Bukod doon, malaki umano sana ang magiging exposure niya dahil mapapanood siya ng mga tao nang isa’t kalahating oras sa telebisyon.

‘Di ba sandali ka lang sa Miss Universe, talo ka pa. Di ba? ‘Di nag-iisip eh,” dagdag pa ng comedian-host.

Payo rin ni Willie, kapag tinawagan umano ng ‘Tutok to Win’ ang sinuman, dapat ay gumawa ng paraan ito at kung kailangan ay kanselahin lahat ng commitments para makadalo sa kaniyang programa.

Miss Manila Alexandra Abdon| Imahe mula sa Push

Mas malaki raw kasi na di hamak ang magiging exposure sa Wowowin dahil sa milyon-milyong nanonood nito sa TV at sa social media araw-araw.

Ayon pa kay Kuya Wil, hindi na nga niya pinapasok sina Hipon Girl at Miss Taguig Michelle Gumabao upang bigyan ng pagkakataon si Abdon para maging co-host niya subalit hindi nito tinupad ang pangako.

“Sorry Miss Manila. Maybe see you in another life,” wika pa ni Kuya Wil.

Kaugnay nito, nakatanggap naman ng text ang Wowowin mula kay Miss Manila na nagsasabing tatawag ito upang magpaliwanag.

Subalit nilinaw ni Willie na hindi naman siya galit, kaya lang ay nais niyang turuan ang beauty queen na maging professional.

Panoorin ang video ni Kuya Wil:

Loading…