Willie humanga sa pagiging magalang at mabait ng anak ni Mayor Isko na si Joaquin

Imahe mula sa YT/PTama
  • Nagkita minsan sina Willie Revillame at anak ni Mayor Isko na si Joaquin
  • Humanga ang Wowowin host sa pagiging magalang at mabait umano ng binatilyo ni Yorme
  • Dahil dito, pinuri ni Willie ang pagpapalaki ni Mayor Isko sa kaniyang anak na nag-aartista rin

Humanga si Willie Revillame sa umano’y pagiging magalang at mabait ng anak ni Mayor Isko Moreno na si Joaquin Moreno na kaniyang nakita minsan sa isang restaurant.

Dahil dito, pinuri din ng Wowowin host ang maaayos na pagpapalaki ni Mayor Isko sa kaniyang mga anak.

Kuwento ni Kuya Wil, nagkita sila ni Joaquin sa isang restaurant at nasaksihan niya ang naging reaksyon ng binatilyo nang sila ay magkausap.

Imahe mula sa Facebook

Bukod umano sa mabait at magalang, ay guwapo rin ang anak ni Yorme na isa ring artista sa bakuran ng GMA 7.

“I really admire this little boy. Ang ‘Little Mayor’ ninyo, of course si Joaquin Moreno. Napakagalang na bata,” bahagi ni Willie. “Mayor Isko, ang ganda ng pagpapalaki ng inyong pamilya sa iyong anak at guwapo ha.”

Inimbitahan daw niya nitong mag-guest sa kaniyang programa hindi man lang ito nagdalawang isip para pumayag.

“Puwede ba kitang i-guest? Sabi niya, Tito Willie, anytime, I can dance,” kuwento pa ng comedian-host.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Si Joaquin ay ang pangalawang anak na lalaki ni Mayor Isko na sumunod sa panganay. Bukod sa gandang lalaki, ay tila namana rin ng bata ang ‘confidence’ ng kaniyang ama kaya ito sumunod sa yapak ng huli sa showbiz.

Noong minsang mag-guest ang mag-ama sa “Tonight with Boy Abunda” ay nagbiro pa ang alkalde sa mga babaeng maaaring pormahan ng kaniyang binatilyo.

“Ingat kayo, parang ako iyan,” biro ni Mayor Isko.

Samantala, panoorin sa ibaba ang kuwento ni Kuya Wil nang sila ay magkita ni Joaquin:

Loading…