Yantok gagamiting pandisiplina ng mga patrollers sa mga lalabag sa health protocols

  • Posibleng “hatawin” ng yantok ang mga taong lalabag sa health protocols ngayong holiday season
  • Ayon ito kay Cesar Bina, hepe ng Joint Task Force COVID-19 Shield
  • Marami raw kasi ang mga taong matitigas ang ulo at mahirap madaan sa pakiusapan

Handa umanong gumamit ng “yantok” o rattan stick ang mga Patrollers sa pagsita at pagdidisiplina sa mga “pasaway” na lalabag sa mga health protocols sa pampublikong lugar kagaya ng social o physical distancing ngayong nalalapit na ang holiday season.

Iyan mismo ay galing kay Joint Task Force COVID-19 Shield chief Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, na tiniyak na dodoblehin ang deployment ng mga law enforcers at patrollers sa mga pampublikong lugar at espasyong laging matao kagaya ng palengke, malls, simbahan, ports, at ibang mga lugar, lalo pa’t malapit na ang araw ng Pasko.

Public Domain Image

Aniya, nagtalaga rin sila ng social distancing patrol, ayon na rin sa atas ng hepe ng Philippine National Police o PNP na si General Debold Sinas. Papayagan daw ang mga ito na magdala ng mga yantok.

“May hawak na yantok ‘yan, isang metro ‘yan, panaway tapos panukat. Pamalo na rin doon sa matitigas ang ulo,” saad ni Binag.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“You have to take into account the physical harm and damage to mental health this will inflict upon an individual. Not to mention, if kids are treated this way, they’ll grow up seeing an authoritative figure as some kind of menace. So I highly suggest that they’d think this through,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Use it to VIPs and higher officials that broke the health protocol and then we won’t mind.”

“Honestly, maybe that is what this country needs. Filipinos in most cases refuse to follow basic rules unless some form of ‘persuasion’ is used. But it must be applied to all,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Matatandaang si Sinas, na dating hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ay naging kontrobersiyal dahil sa paglabag sa health protocols, matapos magsagawa ng “mañanita?” o surpresang pagdiriwang ng kaarawan para sa isang opisyal ng kapulisan. Kamakailan lamang ay naging isyu rin ang paglabag umano sa social distancing ng mismong Presidential Spokesperson na si Harry Roque nang dumalo ito sa isang pagdiriwang sa Cebu City.

Loading…