25 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine darating na sa bansa sa Pebrero

Imahe mula sa CGTN
  • Nakakuha na ang pamahalaan ng 25 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine mula sa China
  • Ang inisyal na 50,000 doses ay darating na sa Pebrero
  • Bukod sa Sinovac ay parating na rin ang COVID-19 vaccine mula sa AstraZeneca

Inanunsyo ni Department of Helath Secretary Francicso Duque III na nakakuha na ng 25 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ang Pilipinas mula sa China at ang unang batch nitong 50,000 doses ay darating na sa bansa sa Pebrero.

Screenshot mula sa 24 Oras video

Ang mga susunod pang batches ng bakuna ay inaasahang makukumpleto bago matapos ang taong 2021. Ang Sinovac COVID-19 vaccine ay bukod pa sa parating na ring bakuna mula sa AstraZeneca ng United Kingdom.

“We sealed the deal with Sinovac for 25 million with early 50,000 doses by February, 950,000 by March and 2 to 3 million in succeeding months ’til December with 25 million doses. This is in addition to AstraZeneca as confirmed by Sec. Galvez,” pahayag ni Sec. Duque.

Batay sa isinagawang clinical trial sa Brazil, 78% ang efficacy rate ng Sinovac vaccine.

Nauna nang sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na target ng pamahalaan na mabakunahan ang mula 50 million hanggang 70 million na mamamayan ngayong 2021.

Imahe mula sa Pixabay

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang 25 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ay babayaran ng gobyerno, pero may pakiramdam daw siya na posibleng ang iba sa mga ito ay i-donate na lang ng China.

“I don’t know about the terms and conditions but of course, we expect that it will be paid but let’s see, maybe, just maybe, I’m just speculating, China will donate some of it. Let’s see,” wika ni Roque.

“Because their Chinese foreign minister is coming, I don’t know what he will say but many of us are praying that perhaps, some of these vaccines can be donated. After all, we do have very close relations with China,” patuloy pa niya.

Imahe mula sa PNA

Bago bakunahan ang publiko, hihintayin muna ng pamahalaan na makakuha ang Sinovac ng emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration.

Aniya, maaari namang gayahin ang ginawa ng Indonesia na tanggapin na muna ang delivery ng bakuna at hintayin na lang ang approval ng regulatory body bago isagawa ang mass vaccination.

Loading…