4-anyos na bata sa Tarlac kabisado ang watawat ng lahat ng bansa sa mundo

Screenshot mula sa GMA video
  • Apat na taong gulang na batang lalaki sa Tarlac City, matalas ang memorya
  • Alam na ng batang si Rain ang pangalang ng lahat ng bansa sa buong mundo
  • Kilala rin niya ang mga watawat ng bawat bansa
  • Maging ang pangalan ng mga planeta sa Solar System ay kabisado ni Rain

Kinabiliban sa social media ang isang apat na taong gulang na batang lalaki sa Tarlac City dahil sa talas ng memorya nito. Kabisado niya ang watawat ng lahat ng bansa sa buong mundo. Maging ang mga planeta sa Solar System ay alam niya.

Screenshot mula sa GMA video

Sa video na ibinahagi ng GMA, makikita ang batang si Rain Leonheart Angeles na pinapangalanan kung saang bansa ang watawat na ipinakikita sa kanya sa flash card.

Kuwento ng mga magulang ni Rain, dalawang taong gulang pa lang siya nang magsimula itong magmemorya ng mga pangalan ng mga bansa.

“Usually binabasa niya ‘yung book niya tapos tinatanong niya kami kung ‘anong flag ito?’ ‘ano’ng flag iyon?’ Then from time to time nanonood din siya ng YouTube. Doon niya napapanood. Kahit hindi namin ituro sa kanya, nakikita niya sa youTube,” sabi ng ama ni Rain na si Mark Francis.

Hindi lang ang 195 na bansa sa buong mundo ang memoryado ng bata, kundi pati na rin ang lahat ng planeta sa Solar System.

Kuwento ng nanay niyang si Charline Joy, mahilig ang anak na magpabasa sa kanya ng mga aklat.

Screenshot mula sa GMA video

“’Pag gusto niyang magbasa talaga, pinipilit niya ako. Go lang ako, tinuturuan ko lang siya, binabasahan ko siya,” ani Charline Joy.

Sa murang edad niya, alam na ni Rain kung ano ang gusto niyang propesyon paglaki niya. Gusto raw niyang maging astronaut balang araw. Wow!

Loading…