$60-M lotto jackpot napanalunan ni misis gamit ang numbers na napanaginipan ni mister 20 years ago

Screenshot mula sa video ng Ontario's Lottery and Gaming Corporation
  • Mga numerong ‘inalagaan’ ng isang ginang sa loob ng 20 years tumama ng jackpot sa Lotto
  • Ang kumbinasyon ng mga numero ay galing daw sa panaginip ng kanyang asawa dalawampung taon na ang nakalipas
  • Canadian $60 million o katumbas ng humigit-kumulang P2 billion ang jackpot na napanalunan ng ginang na isang immigrant mula sa Laos

Matapos ang dalawampung taon ng pagtaya sa lotto gamit ang kumbinasyon ng mga numero na galing sa panaginip ng kanyang mister, sa wakas ay nasungkit din ng isang ginang sa Canada ang tumataginting na $60 million jackpot, katumbas ng humigit-kumulang dalawang bilyong piso.

Screenshot mula sa video ng Ontario’s Lottery and Gaming Corporation

Ang mga numerong ‘inalagaan’ ni Deng Pravatoudom sa loob ng 20 years ay lumabas sa December 1, 2020 draw ng Lotto Max ng Ontario’s Lottery and Gaming Corporation.

“My husband had a dream about some lottery numbers 20 years ago,” wika ni Mrs. Pravatoudom.

Kuwento niya, nagtungo sila ng mister niya sa bangko upang magbayad ng mga bills. Habang nasa bangko siya ay tiningnan naman ng mister niya ang resulta ng lotto draw.

“I went to the bank to pay some bills and my husband went to check the tickets. When we got into the car, he told me we won the $60 million jackpot. He was serious, not joking, so I knew he was telling the truth. I started to cry. I have always prayed for a blessing that my family would be taken care of!” aniya.

Si Ginang Pravatoudom ay isang immigrant mula sa Laos. Kasama niya ang 14 niyang mga kapatid nang manirahan sa Canada noong 1980. Ang simbahan daw ang nagtataguyod sa buhay nila mula noon hanggang ngayon.

Screenshot mula sa video ng Ontario’s Lottery and Gaming Corporation

“I am thankful for the great support they provided us over the years. My husband and I have worked long hours as general laborers for over 40 years, trying to save what we could for our family,” kuwento ni Mrs. Pravatoudom.

Noong tagsibol ng nakaraang taon ay natanggal si Mrs. Pravatoudom sa trabaho dahil sa pandemya. Aniya, masayang-masaya siya ngayon dahil may pera na sila upang ayusin ang pamumuhay nila.

Screenshot mula sa video ng Ontario’s Lottery and Gaming Corporation

Balak raw niyang bumili ng bahay at maglibot sa mga lugar na nais niyang pasyalan tulad ng Europa at America.

Sabi niya, “Except for when I came to Canada from Laos, I have never really travelled so I want to see Europe, Texas, Hawaii… I am excited to see the world.”

Loading…