ABS-CBN humakot ng parangal sa 5th GEMS Awards; kinilalang ‘Natatanging Hiyas sa Sining ng Telebisyon’

  • “Natatanging Hiyas sa Sining ng Telebisyon” ang ABS-CBN Kapamilya Network sa GEMS
  • Ang GEMS ay binubuo ng mga opisyal at kasapi ng iba’t ibang paaralan, kolehiyo, pamantasan, at iba pang mga pribadong sektor sa Pilipinas
  • Kinilala ang iba’t ibang mga programang panradyo, pantelebisyon, at pampelikula ng Kapamilya Network na napapanood sa A2Z Channel 11 sa free TV, cable channels, at social media platforms

Hindi naging hadlang ang kawalan ng prangkisa upang hindi kilalanin ang mga programang panradyo, pantelebisyon, at pampelikula ng ABS-CBN Kapamilya Network, sa ginanap na ikalimang Hiyas ng Sining Awards ng Guild of Educators, Mentors, and Students o GEMS.

Kinilala ang Kapamilya Network bilang “Natatanging Hiyas ng Sining sa Telebisyon,” ang pinakamataas na parangal para sa isang TV network, dahil sa “outstanding vision, dedication, and commitment to excellence in broadcast media.”

Nagpasalamat naman ang ABS-CBN sa GEMS sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Instagram post.

Imahe mula sa Instagram account ng ABS-CBN

“Thank you 5th GEMS Awards for honoring ABS-CBN with the Natatanging Hiyas ng Sining sa Telebisyon award and the various recognitions for TV, radio, and film. Kayo ang aming liwanag at ligaya, mga Kapamilya! #GEMS5thAwards,” saad sa kanilang caption.

Natuwa naman ang mga ‘Kapamilya” at nagbigay ng pagbati sa TV network.

“Grabe wala na ang franchise pero patuloy ang pamamayagpag ng Kapamilya, congrats mga Kapamilya!” pagbati ng isa.

Turan naman ng isa, “Keep up the great service for the Filipinos! Help us to know and understand what is the true happenings in and out of our beloved country! Mabuhay po kayo,  Kapamilya!”

“Congratulations ABS-CBN. A company with a wide pool of dedicated, honest, intelligent employees and under the leadership of a visionary top management can’t be taken down. Salute!” pahayag naman ng isa.

Kinilala ang “A Soldier’s Heart” bilang Best TV Series, habang nasungkit naman ng “Ang Sa Iyo ay Akin” stars na sina Iza Calzado ang Best Performance by an Actress (TV Series) at Diamond Star Maricel Soriano ang Best Performance in a Supporting Role (Male or Female-TV Series).

Public Domain Image

Si Sarah Geronimo naman ang nakatanggap ng Best Female Variety Show Host award para sa musical variety show na “ASAP Natin ‘To.”

Para naman sa larangan ng radyo, nasungkit ng DZMM TeleRadyo ang parangal na Radio Station of the Year, habang ang programang “Pasada sa TeleRadyo” ang itinanghal na Best Radio Program (Opinion or Public Service). Si Peter Musngi, na siyang tinaguriang “Boses ng ABS-CBN,” ang hinirang na Best Male Radio Broadcaster (Opinion or Public Service).

Kinilala naman ang “Fan Girl” bilang Best Film (Indie or Mainstream) at ang direktor nitong si Antoinette Jadaone ang nag-uwi ng Best Film Director (Indie or Mainstream) award. Humakot din ang pelikulang ito sa katatapos na Virtual Metro Manila Film Festival 2021.

Public Domain Image

Ang GEMS ay binubuo ng mga opisyal at kasapi ng iba’t ibang paaralan, kolehiyo, pamantasan, at iba pang mga pribadong sektor sa Pilipinas.

Loading…