Alam n’yo ba na lahat ng giant panda sa buong mundo ay pag-aari ng China maliban sa dalawa?

Screenshot mula sa National Zoo video
  • Pag-aari ng China ang lahat ng panda sa buong mundo maliban sa dalwaa na nasa Mexico
  • Ugali ng China na magregalo ng panda sa ibang bansa bilang paraan ng kanilang diplomasya
  • Noong 1984 ay binago ang polisiya sa pagreregalo ng panda
  • Sa halip na bigay ay pinarerentahan na ang mga panda sa halagang $1 million per year

Ang cute na black and white giant panda ang national animal ng China. Ayon sa datos ng World Wildlife Fund, 1,864 na lang ng mga ito ang nasa wild at tinatatayang 400 ang nasa pangangalaga ng mga tao. Ang 50 sa mga ito ay nasa ibang bansa.

Screenshot mula sa National Zoo video

Ang lahat ng mga pandang ito ay pag-aari ng China, maliban sa dalawa na nasa Mexico. Paano ba nangyari ito?

Ugali na ng China na mag-regalo ng panda sa ibang bansa bilang paraan ng kanilang diplomasya. Ayon sa kasaysayan, ginagawa na ito ng China noon pang panahon ng Tang Dynasty nang niregaluhan nito ng dalawang giant panda si Emperor Tenmu ng Japan noong taong  685.

Nagpatuloy ang ginagawang ito ng China hanggang ngayon. Tinatawag na ito bilang Panda Diplomacy. Sa pagitan ng 1957 at 1983, umabot sa 24 giant panda ang nairegalo ng China sa ibang bansa kabilang ang Soviet union, America, South Korea, Mexico at United Kingdom.

Matagumpay ang panda diplomacy ng China dahil napakapopular ng mga panda sa mga tao.

Noong 1984, binago ni Deng Xiaoping ang polisiya sa pagreregalo ng mga panda. Sa halip na bigay ay piarerentahan nila ang mga ito.

Imahe mula sa China Daily

Dalawang panda ang pinarentahan sa Los Angeles noong 1984 Olympic Games sa halagang $50,000 a month kada isa.

Binago ulit ang polisiyang ito noong 1991. Kailangan long term na ang pagrenta sa mga panda – at least 10 years.  $1 million per year ang bayad at may probisyon pa sa loan agreement na ang mga panda na isisilang sa loob ng loan period ay mananatiling pag-aari ng China at kailangang magbayad ng karagdagang $400,000 bilang one-time baby tax.

Ang mga pandang si Xin Xin at Shuan Shuan ang main attractions sa Chapultepec Zoo sa Mexico City. Bagamat Chinese ang pangalan ng mga ito nito, sila ay pag-aari ng Mexico.

Screenshot mula sa AFP TV video

Ang dalawa ay galing sa lahi ng mga pandang sina Ying Ying at Pe Pe na iniregalo ng China sa Mexico noong 1975. Dumating ang mga ito sa Mexico bago pa binago ng China ang polisiya noong 1984.

At dahil ang halos lahat ng panda sa ibang bansa ay ipinanganak makalipas ang 1984, pag-aari ng China ang mga iyon.

 

Loading…