Alden Richards ibinida ang mga koleksyong laruan

Imahe mula sa Instagram account ni Alden Richards
  • Pinasilip ni Alden Richards ang kaniyang mga koleksyong laruan
  • Karamihan sa mga laruang ito ay Marvel characters
  • Makikita sa larawan sina Psylocke, Colossus, Jubilee, Archangel The Beast, at Sentinel

Hindi lamang pag-arte sa camera o ginagawa sa pang-araw-araw na pamumuhay ang sinusubaybayan ng mga tagahanga sa kanilang mga paboritong artista, kundi maging ang mga interes at kinahihiligan nito. Isa sa mga kinahihiligang gawin ng mga sikat na artista ay pangongolekta ng iba’t ibang items. Isa na riyan ang tinaguriang “Pambansang Bae” na si Alden Richards.

“Let’s hunt for mutants,” saad ni Alden sa kaniyang Instagram post. Makikita rito ang iba’t ibang mga Marvel characters na tila naglalaban-laban gaya nina Psylocke, Colossus, Jubilee, Archangel at The Beast na pinagtutulungan si Sentinel.

Imahe mula sa Instagram account ni Alden Richards

Nagbigay naman ng reaksyon at komento rito ang mga kasamahang host ng “Eat Bulaga” na sina Maine Mendoza at Ryan Agoncillo.

Umani rin ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Noong mahirap pa siya, nangarap din siya magkaroon ng magandang laruan kaso kapos sila, ngayon okay na mabibili na niya ang mga gustong bilhin kasi pinaghirapan niya naman ang perang pambili. Just continue doing what you love, Alden my love!” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “Mas maganda kung isa si Victor Magtanggol sa mga action figure para mas malupit haha magagalit talaga si Thor kapag nakitang may maso din siya hahaha.”

“Wow! Mamahal siguro niyan,” paghanga naman ng isa.

Matagal nang alam ng publiko na mahilig sa pangongolekta ng mga laruan si Alden, partikular na ang mga karakter ng Marvel, at ang pinakapaborito niyang Marvel character ay si “Iron Man” na ginampanan sa pelikula ni Robert Downey, Jr. Kaya naman, ibinida niya sa kaniyang Instagram account ang ilan sa mga koleksyon niyang laruan.

Imahe mula sa Instagram account ni Alden Richards

Ayon sa panayam ng isang lifestyle magazine sa kaniya, simula nang mapanood niya si Iron Man na ginampanan ni Downey, talaga namang hindi na siya maawat sa pagbili ng mga collectible items ni Iron Man, kahit pa kasinlaki ito ng tao o human-sized. Hindi niya tinitingnan ang presyo nito, basta’t nakapagpapaligaya sa kaniya.

Deserve naman ng aktor ang pagbili niya ng mga laruang makapagpapaligaya sa kaniya, dahil halos lagari na siya dami ng mga proyekto sa telebisyon, concert, pelikula, at iba pang mga commitment, kaya isa siya sa mga “A-List” actors ng GMA Kapuso Network.

Loading…