Alex Gonzaga ikinasal na pala kay Mikee Morada

Imahe mula sa Instagram | Alex Gonzaga
  • Isa nang ganap na Mrs. Mikee Morada ang aktres na si Alex Gonzaga
  • Ikinasal sina Alex at Mikee sa isang intimate wedding ceremony na dinaluhan ng kanilang pamilya
  • Masaya raw ang dalawa ngayong married na sila

Ikinasal na ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa kaniyang boyfriend of four years na si Lipa City Councilor Mikee Morada sa isang intimate wedding ceremony na dinaluhan lamang ng kanilang immediate family members.

Sa kaniyang vlog ay sinabi ni Alex na Nobyembre ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib.

Imahe mula sa video ni Alex Gonzaga via YouTube

“Ikinasal na po kami. Isa na po akong maybahay at isa na po akong wife. Mrs. Morada na ako,” ani Alex. “Yes we are married and very happy. Grabe talaga nagkakagulo talaga ang puso namin sa kaligayahan.”

Paliwanag niya, para sa kanilang mga magulang ang ginanap na kasal lalo na at walang kasiguraduhan ang mga bagay ngayong pandemya. “Hindi natin alam kung kailan matatapos ang pandemic. Siyempre gusto namin to seal the deal na nandito kaming lahat, nakaka-celebrate.”

Kahit nasa tamang edad na raw sila ni Mikee ay nais pa rin nilang galangin ang hiling ng kanilang magulang na maikasal muna bago magsama.

Hindi rin daw nila agad ito isinapubliko dahil nais nilang magdiwang muna bilang isang pamilya.

Imahe mula sa video ni Alex Gonzaga via YouTube

“I am very, very sorry netizens if hindi ko nai-share sa inyo agad ang mga nangyari because we want to celebrate together as a family muna. Siyempre alam namin na ‘yung timing din, may pandemic so we wanted to keep it to ourselves for a little while,” pahayag niya.

Nag-iwan din siya ng mensahe sa mga taong nawawalan na ng pag-asa pagdating sa pag-ibig. “Kumapit lang kayo kasi there was a time in my life na akala ko ‘yong mga request ko kay Lord, hindi na ibibigay and impossible maibigay sa akin pero you just have to wait for God’s perfect time.”

Ibinahagi rin nila ang kanilang vow sa isa’t isa. “I vow to give you medicine every day before your vitamins and I vow to be the best wife I can be. Lastly, I vow to always delete your Call of Duty app,” biro ni Alex.

“I vow to take care of you always and siyempre to always keep you happy. To come home to you and siyempre pick you up from work as much as I can and to love you all the time. I love you,” sabi naman ni Mikee.

Congratulations, Mr. and Mrs. Morada!

Panoorin dito ang kanilang kasal:

Source :

YouTube

Loading…