Alex Gonzaga sermon ang inabot sa mga kaanak at fiancé dahil sa ginawa sa TikTok video

Imahe mula sa Instagram accout ni Alex Gonzaga
  • Nag-post sa social media si Alex Gonzaga ng isang TikTok video
  • Sinabi ng fiancé niyang si Mikee Morada na pangit ang ginawa niya sa video
  • Pinade-delete naman ng inang si Pinty Gonzaga ang naturang video
  • Nangatwiran si Alex at sinabing “funny” naman daw ang ginawa niya

Viral ang latest TikTok video na ginawa ni Alex Gonzaga na ipinost niya sa Instagram. Mayroon na ito ngayong mahigit dalawang milyong views dalawang araw pa lang ang nakalipas matapos ibahagi sa social media account niya.

Screenshot mula sa TikTok video

“Kain tayo mars habang sumasayaw ng pa-challenge mo,” bahagi ng caption ni Alex Gonzaga sa ibinahaging TikTok video kung saan sumayaw siya.

Bentang-benta man sa mga netizens ang bagong pakulo ni Alex, hindi naman iyon aprubado sa mga kaanak niya, lalo na sa kanyang fiance na si Mikee Morada na isang city councilor sa Lipa City, Batangas. Sermon ang inabot niya sa mga ito.

Isa si Mikee Morada sa mga unang nag-react sa TikTok video ng kasintahan. Hindi raw maganda ang ginawa ni Alex.

“Ano naman yan bi, Pangit nung ginawa mo,” text ni Mikee kay Alex na isinama pa ang print screen ng pagsayaw ng aktres.

Sinagot naman ni Alex ang text ng nobyo at sinabing nakakatawa naman daw ang ginawa niya.

Imahe mula kay Alex Gonzaga

“It’s funny. Bread of life puuu,” sagot niya kay Mikee.

Sa isa pang vlog, sinabi ng nanay niyang si Pinty Gonzaga na nagmukha raw “bold star” si Alex dahil sa ginawa. Pinade-delete pa ng ina ang TikTok video.

“Para kang bold star… Hindi ko alam na binaba mo t-shirt mo. Delete mo na,” maririnig sa vlog na sinabi ng nanay ni Alex.

Screenshot mula sa TikTok video

“Wala na naman sa wisyo to ah,”  sabi naman ng ate niyang si Toni Gonzaga.

May disclaimer naman si Alex sa TikTok video na ibinahagi niya. Sabi niya ay may suot naman daw siyang bandeau.

Alamin kung ano ang ikinagalit ni Mikee Morada. Panoorin ang TikTok video sa Instagram account ni Alex.

Source :

Instagram

Loading…