Anak nina LJ Reyes at Paolo Contis na si Summer, nagdiwang ng ikalawang kaarawan

Imahe mula sa Instagram | LJ Reyes
  • May sweet na mensahe si LJ Reyes para sa kaniyang anak na si Summer na nagdiwang ng ikalawang kaarawan
  • Aniya, nakatulong ang kaniyang bunso upang maging mas magaan ang lumipas na taon
  • Excited din daw siya sa araw-araw na kasama niya ang anak

Nagdiwang ng kaniyang ikalawang kaarawan ang anak nina LJ Reyes at Paolo Contis na si Summer.

Imahe mula sa Instagram | LJ Reyes

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni LJ ang simpleng selebrasyon ng kaniyang bunso. Nag-post din siya ng sweet na mensahe para sa kaniyang anak. Aniya, kahit hindi naging madali ang taong 2020 ay nakatulong si Summer upang maging mas magaan ito.

“You have brought nothing but sunshine, my love. Last year has been crazy and you have made each day as bright as a hot summer’s day! The happiness that you have brought into our lives has truly been my strength,” sabi ni LJ.

Dagdag pa ni LJ, tila ang bilis ng panahon ngunit excited daw siya sa araw-araw na kapiling si Summer.

“Ang bilis ng oras but I look forward to everyday with you — the hugs, the kisses, the playtime, lahat lahat! Minsan nga kahit titigan lang kita, umaapaw na sa kaligayahan ang puso ko,” sabi pa ni LJ.

Imahe mula sa Instagram | LJ Reyes

Nagpapasalamat din siya sa Diyos dahil binigay sa kanila si Summer. “I truly thank God for giving me you! I love you so much, Summer! Happy 2nd birthday,” aniya pa.

Madalas na mag-trend ang mga acting video nina Summer at Paolo kung saan makikitang sinusunod ng baby girl ang instructions sa pag-arte ng kaniyang ama. Nitong Disyembre lang ay muling nagbahagi si Paolo ng acting 101 session nila ng anak.

“Ang #Acting101 workshops, walang nalalamang Christmas break! Kailangan laging handa! Medyo advanced acting na’to ha. Malungkot tapos tatawa? Anak, puwede ka na sa baliw roles,” aniya kalakip ang video ni Summer.

Happy birthday, Summer!

Source :

Instagram

Loading…