Ancestral home ni Eula Valdez hinangaan

  • Humanga ang mga netizens sa ancestral house ni Eula Valdez
  • Pagmamay-ari umano ito ng kaniyang great grandparents
  • Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon at komento hinggil dito

Kamakailan lamang ay hinangaan ang ancestral house ng “Eat Bulaga” host at komedyante na si Joey De Leon na talaga namang nagpahanga sa mga netizens. Ngayon naman, pinag-uusapan at nagpapamangha rin sa mga netizens ang ancestral house ng mahusay na aktres na si Eula Valdez.

Itinampok ang mga kuhang larawan ng ancestral house ng aktres sa Facebook page na “Memories of Old Manila” na ibinahagi ng netizen na nagngangalang Jay Patao.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Matatagpuan umano ang ancestral house sa De los Reyes Street sa Gapan City, Nueva Ecija. Ayon umano sa naging panayam kay Eula Valdez, ipinamana umano sa kaniya ang naturang bahay, na pagmamay-ari ng kaniyang mga great grandparents noong 1800.

“Eula clarified that it is just one house. The area beside the tank (with the year 1928 seen on it) is their kitchen and informal dining area, and it is connected to the main dining room. The first floor (silong) is where the palay and antique santos were kept before it was later renovated,” saad sa post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ang laki-laki at ang ganda! Para na itong mansion sa sobrang laki!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Napakaganda naman! It is just a hundred steps to the church and to Gapan North Elementary School! Right?”

“Iba talaga mga bahay noong araw. Palaging malalaki at maaliwalas. Ang sarap tumira sa mga ganyang ancestral house,” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Wika naman ng isa, “If I remember it correctly, this is the studio where they took us pictures with our togas in our kindergarden graduation in Divina Pastora College. The year is 1977. I remember a photographer and a kind lady, maybe the owner of the house.”

Ang aktres na si Eula Valdez ay pinakanagningning sa kaniyang markadong pagganap bilang “Amor Powers” sa hit teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” ng ABS-CBN noong 2000.

Napakaganda ng kaniyang ancestral house, hindi ba?

Loading…