Andrea Brillantes ibinida ang bahay na 10 taong pinag-ipunan

Imahe mula sa Instagram | Andrea Brillantes
  • Matapos ang sampung taon ay nakamit na ng aktres na si Andrea Brillantes ang inaasam na sariling bahay para sa kaniyang pamilya
  • Noon ay nagpapalipat-lipat sila ng tahanan dahil nagrerenta lamang sila
  • Aminado rin siya na naging kuripot siya dahil pinag-iipunan niya talaga ang pangarap na bahay

Malaki ang pasasalamat ng 17 anyos na aktres na si Andrea Brillantes dahil nakamit niya na ang pinapangarap niyang bahay para sa kaniyang pamilya.

Imahe mula sa Instagram | Andrea Brillantes

Sa isang Instagram post ay ibinahagi niya ang larawan ng kanilang tahanan kalakip ang taos-pusong pasasalamat sa kaniyang mga taga-hanga at maging sa mga nagbigay sa kaniya ng proyekto at endorsements.

Pag-amin niya, hindi naging madali ang daan patungo sa pinapangarap niyang bahay. “You were my longest (10 years) and most difficult dream to come true. You have always been at the back of my mind since I was young — pushing me to work harder,” aniya,

“I am so happy you made it this year with everything that happened.”

Inamin noon ni Andrea na masinop siya sa perang kaniyang kinikita dahil nagrerenta lamang sila. “Ever since noong pa-extra extra pa ako hanggang tumaas na iyong roles ko, ang lagi kong iniisip ay bahay. Nagtatabi ako ng mga ipon,” pagbabahagi ni Andrea.

Imahe mula sa Instagram | Andrea Brillantes

“Nagre-rent po kasi talaga kami ng bahay, ‘yong tinitirahan namin. Ilang beses na kaming lumipat, siguro mga apat na beses. Tapos puro rent,” sabi niya pa. Ito raw ang dahilan kung bakit hindi siya nagiging komportable sa mga bahay na kanilang tinitirahan.

Proud din siya sa kaniyang pagiging kuripot kaya hindi siya bumibili ng designer items.

“Nagsimula ang pagiging kuripot ko noong 10 years old ako. Nahirapan talaga ako. Nalaman ko ang halaga ng pera. Ang hirap-hirap pala niyang kitain. Tapos noong nagkaroon ako ng responsibility sa buong family ko, mas naging kuripot ako.”

Hiling niya, sana ay marami pang biyayang dumating para sa lahat ngayong taon. “Happy New Year, everyone! May we all be blessed and have breakthroughs this 2021,” pagtatapos niya.

Loading…