Ang dalawang dahilan kung bakit mukhang bata pa rin si Dr. Vicky Belo sa edad na 65, ayon kay Hayden Kho

Imahe mula sa Instagram account ni Hayden Kho
  • Nagbahagi ng dalawang dahilan si Hayden Kho kung bakit nananatiling mukhang bata pa rin ang asawang si Dr. Vicky Belo sa edad na 65
  • Nakakita si Hayden ng ilang lumang larawan nila ni Dr. Belo at napansin niya na habang siya ay patanda nang patanda, tila hindi tumatanda ang asawa at napanatili nito ang kariktan
  • Nagpasalamat si Dr. Belo sa asawa dahil ginawa nitong super special ang kanyang kaarawan

Noong 65th birthday ni Dr. Vicky Belo noong ika-25 ng Enero, nagbahagi ng dalawang dahilan si Hayden Kho kung bakit nananatiling mukhang bata pa rin ang asawa sa kabila ng edad nitong 65.

Imahe mula sa Instagram account ni Hayden Kho

Sabi ni Hayden, nakakita raw siya ng ilang lumang litrato nilang dalawa na ang ilan ay kuha noon pang 2005 at ang una raw niyang napansin ay habang sa mga naturang larawan ay patanda nang patanda ang kanyang itsura, mukhang bata pa rin at nananatili raw ang kariktan ng asawa.

“Found some throwback photos of me and @victoria_belo from as early as 2005 and what I immediately noticed is that while I looked older and older she stayed as gorgeous and youthful as ever,” sabi ni Hayden sa Instagram post niya.

Ayon pa kay Hayden, nagpa-body test daw silang mag-asawa at mas mataas ang score na nakuha ni Dr. Belo kaysa sa score niya.

“Yesterday we did a Body Test and my score was 54/100 while hers was 96/100! Amazing. There’s really no one like her,” aniya.

Imahe mula sa Instagram account ni Hayden Kho

Dalawa ang naisip niyang dahilan ng pagiging mukhang bata ng asawa gayong isa na itong senior citizen.

“And I think the reason why she never ages is because her heart is pure and childlike. In everything she does she wants to honor God. She never compromises on truth and integrity. She’s very generous and is always willing to help. She’s an angel for many and a “fairy godmother of beauty,” saad ni Hayden.

Lubos naman ang naging pasasamalat ni Dr. Belo sa asawa dahil ginawa nitong super special ang kanyang kaarawan.

Imahe mula sa Instagram account ni Hayden Kho

Masdan ang mga ibinahagi niyang larawan:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hayden Kho Jr (@dochayden)

Loading…