Angel Locsin bumilib nang igiit ni Mayor Magalong na irrevocable ang resignation bilang contact tracing czar

Imahe mula sa Baguiio City PIO
  • Iginiit ni Baguio City Mayor Magalong na irrevocable ang resignation niya bilang contact tracing czar ng bansa
  • Humanga si Angel Locsin sa alkalde sa ipinakita nitong sense of honor
  • Ang resignation ng alkalde ay bunsod ng kontrobersyal na birthday party ni Tim Yap sa Baguio City

Naghain ng kanyang resignation si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang COVID-19 contact tracing czar ng bansa kaugnay ng pagkakadawit niya sa kontrobersyal na birthday party ni Tim Yap sa The Manor hotel sa loob ng Camp John Hay.

Screenshot mula sa UNTV video

Tinanggihan ni Secretary Carlito Galvez, ang chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, ang kanyang pagbibitiw sa naturang tungkulin, subalit iginiit ng alkalde na irrevocable ang kanyang resignation.

“But we did not accept it because Mayor Magalong had done a lot for us. He is very professional. He will be a big loss,” sabi ni Sec. Galvez.

Sa isang text message na ipinadala niya sa UNTV, kinumpirma niya na irrevocable o hindi na mababago ang desisyon niyang magbitiw bilang contact tracing czar dahil sa naganap na kontroberya kung saan dawit din ang kanyang asawa.

“Yes, it is irrevocable,” text ng alkalde sa UNTV.

Wika ng alkalde, mahalaga sa kanya ang “accountability.’

Screenshot mula sa UNTV video

Humanga naman ang aktres na Si Angel Locsin sa sense of honor ni Mayor Magalong.

“I know he’s all over the news lately, so, I just want to share our experience with him. He reminded us to wear our masks and face shields and to respect the locals by following safety protocols. He also wore his mask the whole time. Just putting this here not to justify pero para may ibang side naman ang refreshing makita sa balita na may accountability at sense of honor ang isang opisyal para aminin ang pagkakamali. Kelangan natin ng mga ganito. Also, magaling siya,” pagbabahagi ng post ng aktres sa Instagram.

Imahe mula sa Instagram account ni Angel Locsin

Bilib rin si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa ipinakitang “delicadeza” at finesse” ni Mayor Magalong sa pagbibitiw nito, pero kailangan daw ng bansa ang tulong ng alkalde upang matigil ang pagkalat ng COVID-19.

Loading…