Angelica Panganiban sa rumored boyfriend: “Kung isa kang pelikula, sana wala kang ending”

  • “Kung isa kang pelikula, sana wala kang ending”
  • Iyan ang mensahe ni Angelica Panganiban sa kaniyang non-showbiz boyfriend
  • Ibinahagi niya ang kanilang larawan sa Instagram sa pagpasok pa lamang ng 2021

Pasabog ang update sa buhay-pag-ibig ng mahusay na Kapamilya actress na si Angelica Panganiban, matapos niyang ibahagi ang “kissing scene” photo nila ng kaniyang rumored non-showbiz boyfriend, na labis na kinakiligan ng kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay.

Sa pagpasok ng 2021, tila isang paputok ang larawan ni Angge kasama ang kaniyang boyfriend, na makikita sa kaniyang Instagram post na may caption na “Kung isa kang pelikula, sana… wala kang ending…” habang sa likod nila ay may fireworks display dahil nga sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Imahe mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Bagama’t hindi niya pinangalanan o kahit tag ang kaniyang boyfriend, marami sa mga netizens ang nagbigay ng espekulasyon sa identidad ng naturang lalaki, na isa umanong negosyante, na nakabase sa Subic Bay.

Ilan sa mga malalapit na kaibigan at kasamahan ni Angelica sa showbiz gaya nina  Kim Chiu, Bela Padilla, John Prats, Maymay Entrata, Barbie Imperial, Melissa Ricks, Alessandra De Rossi, JC De Vera, at marami pang iba ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa natagpuang bagong pag-ibig ng aktres.

Kamakailan lamang ay naiugnay si Angelica sa kasamahan sa teleseryeng “Walang Hanggang Paalam” na si Zanjoe Marudo, subalit pareho nilang pinabulaanan ang alingasngas na nagkakamabutihan daw sila.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Every men and women deserve to be loved and give love after they conquer struggle. Congratulations, Ms. Angelica! Sana nasa tamang tao ka na!” pahayag ng isa.

“You deserved to be happy, though! Congratulations for the both of you! Mukhang good-looking naman yung guy, base sa side view,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sana sila na nga magkatuluyan para may forever na siya.”

Public Domain Image

Matatandaang ang mga nakarelasyon ni Angelica sa showbiz ay sina Carlo Aquino, Derek Ramsay, at  John Lloyd Cruz.

Loading…