Anthony Taberna masaya sa unti-unting pagtubo muli ng buhok ng anak na si Zoey

Imahe mula sa Instagram | Anthony Taberna
  • Unti-unti nang tumutubo muli ang buhok ng anak ni Anthony Taberna na si Zoey
  • Ito ay matapos nitong magpakalbo dahil nalalagas na rin ang kaniyang buhok dulot ng chemotherapy
  • Matatandaang nakipaglaban sa leukemia ang panganay nina Anthony at Rossel Taberna

Masaya ang brodkaster na si Anthony Taberna na unti-unti ay tumutubo na muli ang buhok ng panganay niyang anak na si Zoey na nakipaglaban sa sakit na leukemia.

Imahe mula sa Instagram | Anthony Taberna

“Walang bonnet. Walang hair extension. Walang wig. Ito na ang totoong buhok ni Zoey. Medyo mabagal tumubo pero magandang umpisa ng Bagong Taon. Go, go, go Zoey! Wag ka nang malulungkot ulit sa buhok mo, ha? We are Familia Taberna and we’re #TeamStrong!” sabi ni Ka Tunying sa isang Instagram post.

Disyembre nang ibahagi niya ang larawan ng kaniyang anak na si Zoey matapos itong magpakalbo dahil nalalagas na rin ang kaniyang buhok dulot ng chemotherapy.

“Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako. Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala,” pag-amin niya.

May video raw ang aktwal na paggupit sa buhok ni Zoey at hindi niya raw mapigilan ang pagtulo ng luha sa tuwing mapapanood niya iyon.

Imahe mula sa Instagram | Anthony Taberna

“Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey. Pero noong makita kong ipinost niya, nagpaalam ako na ipo-post ko rin. Hanga ako sa tapang ng aming panganay,” sabi ni pa ni Ka Tunying.

Lalong naging mabigat para sa kanila ng asawang si Rossel ang pinagdaraanang ito dahil 11 anyos pa lamang noon si Zoey.

“Walang tigil ang aming pananalangin. Kahit gusto sana naming ikubli sa aming anak ang pagluha upang ipakita sa kaniya na kami’y matapang at malakas subalit tuwing kami’y dudulog sa Diyos ay hindi maiwasan na kami’y tumangis,” sabi ni Ka Tunying sa isang post noon.

Bukod sa pinagdadaanang ito ay nadagdag pa sa alalahanin ng pamilya ang diumano’y pambubulsa ng pinagkakatiwalaan nilang tao ng malaking halaga mula sa kanilang Ka Tunying’s Cafe.

Loading…