Anyare? Presyo ng Sinovac sa Indonesia wala pang P700 per dosage, bakit sa Pilipinas mahal?

Imahe mula sa DW
  • Itinatanong ni Dr. Peter Cayton ng University of the Philippines Pandemic Response Team kung bakit mahal ang Sinovac COVID-19 vaccine sa Pilipinas pero sa Indonesia ay mura lang
  • Sa Twitter, sinabi ni Dr. Clayton na approximately P700 per dosage ang presyo ng bakuna ng Sinovac sa Indonesia habang sa Pilipinas ay P3,269.50 para sa dalawang doses
  • Ang tweet niya ay ibinatay sa isang article mula sa The Jakarta Post

Kontrobersyal na usapin sa Pilipinas ang presyo ng mga COVID-19 vaccines na oorderin o na-order na ng gobyerno mula sa mga foreign pharmaceutical firms. Hindi kasi nagbibigay ng pahayag ang pamahalaan hinggil sa presyo mga iyon dahil umano sa non-disclosure agreement.

Imahe mula sa Freepik

Katunayan ay nanawagan na nga ang ilang mga mambabatas na sana ay ihayag ng national government sa publiko ang halaga ng mga COVID-19 vaccines na bibilhin.

Mataandaang sinabi ni Senator Sonny Angara na ang presyo ng Sinovac COVID-19 vaccine ay nagkakahalaga ng P3, 629 para sa dalawang doses. Aniya, ang Department of Health raw ang nagbigay ng presyo ng mga COVID-19 vaccines sa senado.

“These were furnished to our office and the Senate Committee on Finance during the budget deliberations around late November, early December by the Department of Health,” anang senador sa hearing hinggil sa vaccination program ng gobyerno ng Senate Committee of the Whole noong Biyernes, January 15.

Inalmahan naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga kritiko na nagsasabing pinakamahal daw ang Sinovac sa mga COVID-19 vaccines na bibilhin ng gobyerno. Paninira lang daw ng mga oposisyon ang pagsasabing mahal ang Sinovac. Aniya, ibinigay ng Sinovac sa Pilipinas sa presyong pang-BFF ang bakuna nito.

Screenshot mula sa PTV video

Itinatanong naman ni Dr. Peter Cayton ng University of the Philippines Pandemic Response Team kung bakit mahal ibinebenta ng Sinovac ang bakuna nito sa Pilipinas gayong sa Indonesia ay aprroximately $14 lang o katumbas ng halos P700 ang presyo niyon per dosage.

“Price of Sinovac in Indonesia: Rp200,000 per dosage (~ US$14/ ~P700). Bakit sa atin, Php3,269.50?” tweet niya.

Naka-attach sa tweet ni Dr. Cayton ang link ng article mula sa Jakarta Post na nagsasaad ng presyo ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Screenshot ng tweet ni Dr. Peter Cayton

Sa naturang article, kinumpirma ng Indonesian-owned pharmaceutical company na PT Bio Farma na Rp200,000  o US$13.57 per dosage ang ipe-presyo sa COVID-19 vaccine ng Sinovac kapag naging available na iyon sa kanilang bansa.

Ayon kay Bio Farma president Honesti Basyir, ang presyo ay base raw sa email sa kanila ng Sinovac Biotech.

Loading…