Aubrey Miles ipinaliwanag sa ‘Bawal Judgmental!’ episode kung bakit niya itinatwa noon ang pagkakaroon ng anak

  • Ipinaliwanag ni Aubrey Miles sa “Bawal Judgmental!” episode ang dahilan kung bakit niya itinago sa publiko ang pagiging dalagang ina noong panahong nagsisimula pa lamang ang showbiz career niya
  • Ayon daw ito sa atas ng kaniyang manager at para sa ikagaganda ng kaniyang imahe
  • Matatandaang isiniwalat ni Cristy Fermin ang naturang lihim ng celebrity na itinanggi naman niya

Isa sa mga celebrity guests ng Saturday episode ng “Bawal Judgmental!” ng Eat Bulaga ang sexy star na si Aubrey Miles kung saan tampok ang mga ina o amang nagtago ng kanilang pagbubuntis o pagkakaroon ng anak, gayundin ang mga anak na ipinamigay, itinatwa, o itinago ng kanilang mga magulang.

Sa tanong na “Sino-sino sa kanila ang nagtago o nag-deny ng anak,” unang napili ng sikat na TikTok influencer na si Bernie Batin si Aubrey Miles dahil aminado siyang nasubaybayan niya noon ang showbiz career ng aktres. Nang alamin kung tama ba ang kaniyang choice, tumama naman ang player na nakilala sa stint niyang “pagtataray” sa mga suki o bumibili sa kanilang tindahan sa Pampanga.

Image capture mula sa YouTube channel ng Eat Bulaga

“Ako naman, ‘yung kuwento ko, kasi ‘yung panahon ko, kami-kami lang… so nag-decide ang manager ko na kailangan naming i-deny (pagkakaroon ng anak), kasi ‘yung time na ‘yon kailangan fresh ka… s’yempre mga tao medyo… ako rin naman, prefer ko rin na itago kasi parang privacy ko na rin ‘yun, choice ko na rin ‘yun,” tapat na pagtugon ni Aubrey sa tanong ng hosts na sina Paolo Ballesteros at Jose Manalo.

“Syempre kailangan ko rin magtrabaho nang time na ‘yun, so hindi ko naman na-regret ‘yung mga nagawa ko, para sa akin… iyon talaga ‘yung tamang choice na ginawa ko iyon, hindi ko masabing napakaganda pero nakaganda doon sa career ko at nakapagtrabaho naman ako,” dagdag pa ni Aubrey.

Ayon naman sa child and adolescent psychologist na inimbitahan ng show upang ipaliwanag ang maseselang isyung ito, wala naman daw masama sa ginawa ni Aubrey, dahil hindi naman daw bahagi ng showbiz ang anak nito, at hindi naman itinanggi ni Aubrey sa bata ang kaniyang ginawa.

Matatandaang isiniwalat noon ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang tungkol sa pagkakaroon ng anak ni Aubrey Miles, sa kasagsagan ng showbiz career nito, na itinanggi naman ng celebrity.

Public Domain Image

Sa ngayon, masaya na siya sa kaniyang sariling pamilya kasama ang aktor na si Troy Montero.


Panoorin ang naturang episode ng Bawal Judgmental! via YouTube channel ng Eat Bulaga:

Loading…