“Audition piece” ng isang vlogger para maging dancer ng Wowowin kinaaliwan

  • Naaliw ang mga netizens sa social media influencer/vlogger na si Christian Antolin
  • Ito ay dahil sa video na “audition piece” niya para sa paghahanap ng dancers ng “Wowowin” ni Willie Revillame sa GMA Network
  • Pabirong banat niya, sana raw ay i-tag siya kay Kuya Wil para matanggap siya

Kinatuwaan ng kaniyang mga followers at  subscribers ang “audition piece” video sa TikTok ng social media influencer/vlogger na si Christian Antolin, na kilala sa kaniyang mga nakatutuwang stints, lalo na ang kaniyang pagdadamit-babae o cross-dressing na talaga namang kinatutuwaan ng mga netizens.

Sa latest video ni Christian sa kaniyang TikTok at Facebook account, makikita ang screenshot niya sa Facebook post sa page ng “Wowowin Dancers” na naghahanap sila ng mga bagong dancers na may basic salary na 40,000 pesos, stay-in na may libreng akomodasyon at pagkain.

Imahe mula sa Facebook account ni Christian Antolin

Ang mga requirements ay kinakailangang 16-23 taong gulang, at least 5’3 ang tangkad, wala pang asawa at anak, maganda, payat, makinis, mahaba ang buhok, at walang tattoo. Ang mga nagnanais na maging aplikante ay kailangang makipag-ugnayan kay Anna Feliciano.

Kaya naman game na game si Christian sa pagsayaw ng theme song ng Wowowon at ipinakita ang kaniyang husay sa pagsayaw at pagkendeng; hindi lamang isa kundi tatlong katauhang babae ang kaniyang ipinakita na talaga namang nagdulot ng good vibes!

“Kung hindi kami matanggap, bigyan ninyo na lang kami ng five thousand please! Paki-tag naman si Kuya Wil baka sakaling makasali tayo,” pabirong saad ni Christian sa kaniyang comment section.

Samantala, sa kaniyang “Appreciation Post” sa Instagram naman ay nagpasalamat si Christian sa mga tagasubaybay sa YouTube channel niya, dahil nagawaran siya ng “Silver Button Award” mula sa YT. Ibig sabihin, umabot o lumagpas na sa 100,000 ang kaniyang subscribers sa naturang video-streaming platform.

Imahe mula sa Instagram account ni Christian Antolin

“Gusto ko na talagang maniwala sa DESTINY. Katulad ng mga haka-haka ng mga chismosa mong kapitbahay na napagtagpi-tagpi ang mga pangyayari sa buhay ng kanyang kapitbahay,” panimulang pahayag sa mahabang appreciation post ng social media influencer.

“Ewan! Kung ano man ‘to, achievement ‘to, milestone ‘to, BLESSING ito! At nagpapasalamat ako sa inyo mga ses dahil kung hindi naman talaga dahil sa inyo, hindi natin to makakamit! Parte kayo ng aking ‘ika nga ay tagumpay! MARAMING SALAMAT MGA SES!” pasasalamat niya.

Congratulations, Christian! Ipagpatuloy mo lamang ang paggawa ng mga good vibes video. Marami kang napapasayang tao!

Samantala, sana naman napanood na ito ni Kuya Wil!  hahaha  10K plus shares na

Loading…