Ayala Group bibili ng 450,000 COVID vaccine; kalahati ibibigay sa gobyerno

Ayala Group COO Fernando Zobel de Ayala| Screenshot mula sa You Tube
  • Bibili ng halos kalahating milyong doses ng COVID vaccine ang private sector sa pangunguna ng Ayala Group
  • Kalahati nito ay ibibigay sa gobyerno na siyang mamamahagi naman ng bakuna sa mga mamamayan
  • Ito umano ang panahon para magtulungan ang pribado at pampublikong sektor sa harap ng matinding krisis

Bibili ng halos kalahating milyong doses ng COVID-19 vaccine ang pribadong sector sa pangunguna ng Ayala Group at ang kalahati nito ay ibibigay umano sa gobyerno na siya nang mamamahagi sa mga tao.

Sa ginanap na virtual press briefing nitong Lunes kasama ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr., ibinahagi ni Fernando Zobel de Ayala, COO ng Ayala Group, na bibili sila ng 450,000 doses ng AstraZeneca vaccine at ibibigay sa pamahalaan ang kalahati na nagkakahalaga ng halos P120-M.

Screenshot mula sa PTV video

“Government, in turn, as you know Sec. Harry, has requested that 50% be given for individuals that the government selects, and 50% will be given back to the private sector so that we can also provide the vaccine for the people who need it,” ayon kay Zobel de Ayala.

Iginiit ng business tycoon na ito ang panahon na dapat magtulungan ang pribado at pampublikong sektor sa harap ng isang krisis na ngayon lang napagdaanan ng bansa at nagdulot ng matinding paghihirap sa mga Pilipino.

“I’d like to think that the private sector has come through in a very big way, with a call from the government, and tried to to do everything that they could, not only for their employees, their suppliers, but the public in general. I think we’re all here to help the country as a whole in the best way that we can,” dagdag pa ng may-ari ng isa sa pinakamayaman at pinakamatandang negosyo sa Pilipinas.

Imahe mula sa Bangkok Post

Tutulong din umano ang pribadong sektor para maipamahagi nang maayos ang AstraZeneca vaccine na nagkakahalaga ng $5.50 (P265) bawat dose.

Noong Nobyembre 2020, lumagda ng tripartite agreement ang gobyerno, pribadong sektor at ang AstraZeneca upang makakuha ng 2.6 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19. Isa ang Ayala Group sa mga kumpanyang naunang lumagda rito.

Inaasahang darating sa bansa ang nasabing bakuna sa darating na Mayo o Hunyo ngayong taon.

Loading…