B.O.S.S. ng Pasig City pinasinayaan ni Mayor Vico Sotto

  • May bagong proyekto ang lokal na pamahalaan ng Pasig City
  • Nagtayo sila ng isang Business One Stop Shop o B.O.S.S. upang mapadali ang mga transaksyong pangkalakalan sa naturang lungsod at maiwasan ang “red tape”
  • Si Mayor Vico Sotto mismo ang nanguna sa pagpapasinaya nito kasama ang kaniyang mga staff

Pinasinayaan ni Pasig City Mayor Vico Sotto at ng kaniyang staff ang kanilang Business One Stop Shop o B.O.S.S. sa Ayala Malls The 30th nitong Enero 3, 2021 na naglalayong matulungan ang mga Pasiguenong nagnanais na magnegosyo, at maiwasan ang tinatawag na “red tape.”

Ibinahagi ito mismo ni Mayor Vico sa mga social media platforms niya sa Facebook at Twitter.

Imahe mula sa Facebook / Twitter accounts ni Mayor Vico Sotto

“Launching of our new Pasig City BUSINESS ONE STOP SHOP at the Ayala the 30th Mall,” saad ni Mayor Vico.

Dagdag pa niya, “Did you know that almost 9,575 out of 27,790 Pasig businesses are based in just 2 out of our 30 barangays? (San Antonio and Ugong/ Ortigas CBD.)”

Ipinaliwanag din niya ang layunin ng B.O.S.S.

“This B.O.S.S. will help us decongest the large number the City Hall B.O.S.S. (especially for peak season), bring our services closer to the businesses that give us the biggest bulk of our city’s budget; and overall, improve ease of doing business and reduce red tape.”

Pinasalamatan ng mayor ang mga tao at organisasyong nakatuwang nila upang maging posible ang kanilang proyekto na tinawag nilang #AlwaysImproving at #UmaagosAngPagasa.

“Thank you to all our LGU staff who worked overtime during the Christmas season to make sure we are able to open for this January’s renewal season. Thank you to the Ayala Malls team for partnering with us to make this possible!” saad niya.

Imahe mula sa Facebook / Twitter accounts ni Mayor Vico Sotto

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“This is such a huge help Mayor Vico. We’re so proud of you. Thank you for helping us make things easier. You’re doing a remarkable job with Pasig,” papuri ng isa.

Turan naman ng isa, “You have excellent ideas and you act upon them, to ease or alleviate the difficulties of the People of Pasig. Good job, Sir! Thank you and God bless.”

“We are lucky to have you as our Mayor. The previous administration never thought of this, making everything easy for those doing business in Pasig!” pahayag naman ng isa.

Pagbati kay Mayor Vico Sotto, sa kaniyang mga staff, at sa lahat ng mga taga-Pasig!

Loading…