Bagong COVID-19 vaccine ng Russia 100% effective

Imahe mula sa Rospotrebnadzor
  • Isandaang porsyentong epektibo ang ikalawang COVID-19 vaccine na gawa sa Russia
  • Batay sa first at second stages ng clinical trials, 100% ang immunological efficacy ng EpiVacCorona vaccine na gawa ng Vektor State Research Center of Virology and Biotechnology
  • Ang unang COVID-19 vaccine ng Russia – ang Sputnik V – ay may 92% effectivity rate

Siyento porsyentong epektibo raw ang ikalawang COVID-19 vaccine na na-develop sa Russia, ayon sa isang Russian consumer safety watchdog. Batay umano ito sa resulta ng una at ikalawang stages ng clinical trial na isinagawa.

Ayon sa Federal Service for Surveillance on Consumer Rights Protection and Human Well-Being (Rospotrebnadzor), 100% ang immunological efficacy ng EpiVacCorona na na-develop ng Vektor State Research Center of Virology and Biotechnology, isang biological research center sa Koltsovo, base sa resulta ng mass trials na ginawa noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ipinahayag ni Russian Deputy Prime Minister Tatiana Golikova noong Lunes, January 18, na sisimulan ang mass production ng EpiVacCorona sa susunod na buwan.

“We will begin mass production of the Epivaccorona vaccine developed by the Vector Center in February 2021,” wika ni Golikova.

Sinabi ng Rospotrebnadzor na maayos ang pakiramdam ng lahat ng mga lumahok sa clinical trials ng EpiVacCorona vaccine.

Imahe mula sa Anadolu

Ang unang COVID-19 vaccine ng Russia – ang Sputnik V – ay may 92% effectivity batay sa final stage ng clinical trials para rito. Pero ayon sa website ng manufacturer nito, 100% ang effectivity rate nito sa mga severe cases ng COVID-19 infection.

Ipinahayag ni Russian President Vladimir Putin na ngayong linggong ito ay sisimulan na ang mass vaccination gamit ang Sputnik V. Ang EpiVacCorona vaccine naman aysisimulang gamitin sa mass vaccination sa Marso.

Imahe mula sa The Moscow Times

Sinabi ni Pres. Putin na kayang mabakunahan ngayong taon ang 60% ng kanilang populasyon.

Ang Russia ang ikaapat sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 infections – mahigit 3.6M cases na.

Loading…