Bagong planeta sa outer space natuklasan

  • May natuklasang planeta ang NASA
  • Ito ay ang KOI-5Ab
  • Nagsimula itong matuklasan noong 2009 at nakumpirma lamang na isa itong planeta matapos ang 11 taon

Matapos ang 11 taon, kinumpirma ng National Aeronautics and Space Administration o NASA na isang planeta ang natuklasan nila na nasa pagitan ng tatlong bituin, na tinawag nilang “KOI-5Ab.”

Ayon mismo sa NASA, napansin nila ang naturang heavenly body noong Kepler mission sa taong 2009 , na ipinagpalagay nilang isang planetang kasinlaki ng Neptune. Kaya lang, natuon kasi ang pokus ng Kepler sa iba pang pagtuklas ng planeta kaya muntik na nila itong makalimutan.

Imahe mula sa Facebook page ng NASA

“KOI-5Ab got abandoned because it was complicated, and we had thousands of candidates,” paliwanag ni David Ciardi, chief scientist ng Exoplanet Science Institute ng NASA. “There were easier pickings than KOI-5Ab, and we were learning something new from Kepler every day, so that KOI-5 was mostly forgotten.”

Kakaiba umano ang hitsura nito, lalo na ang mga orbits nito.

“The image shows planet KOI-5Ab transiting across the face of a sun-like star. It is located 1,800 light-years away in the Cygnus constellation. NASA said it is about one half the mass of Saturn and orbits a star (star A) with a relatively close companion (star B), which orbit each other every 30 years. A third gravitationally bound star (star C) orbits stars A and B every 400 years,” ayon sa ulat ng NASA.

Natuwa naman si Ciardi sa bagong development na ito.

“Bingo – it was there! If it weren’t for TESS looking at the planet again, I would never have gone back and done all this detective work. But it truly did take a lot of sleuthing within data collected from many different telescopes to finally nail down this planet.”

Imahe mula sa Facebook page ng NASA

“KOI-5Ab orbits Star A, which has a relatively close companion, Star B. Star A and Star B orbit each other every 30 years. A third gravitationally bound star, Star C, orbits stars A and B every 400 years,” saad pa ni Ciardi.

Nagpapatunay ito na bukod sa solar system kung saan kabilang ang Earth o Daigdig, marami pa talagang hiwagang nakapaloob sa ating kalawakan na patuloy pang matutuklasan dahil sa patuloy na pagyabong ng Agham at Teknolohiya.

Loading…