Bakuna ng Johnson&Johnson one dose lang ang kailangan kontra COVID-19

Imahe mula sa Johnson&Johnson
  • Ipinakilala ng Johnson&Johnson ang single-shot vaccine nito kontra COVID-19
  • Ang naturang bakuna ay maaaring tumagal ng ilang buwan sa refrigerator, ‘di katulad ng iba na kailangang frozen
  • Mag-aaply na ng EUA ang Johnson&Johnson sa America

Inanunsyo ng Johnson&Johnson na ang na-develop nitong bakuna ay nagbibigay ng proteksyon kontra sa COVID-19 kahit isang dose lang.

Imahe mula sa Johnson&Johnson

Sa inilabas na statement noong Biyernes, January 29, sinabi ng kumpanya na 66% ang overall effectivity rate ng bakuna na mapigilan ang pagkakaroon ng moderate hanggang severe COVID-19 infection. Mataas naman ang naibibigay nitong proteksyon – 85% – kontra sa mga malalalang sintomas.

Sa America, nakapagtala ang bakuna ng 72% effectiveness kontra sa mild, moderate at severe COVID-19 infections.

Bagama’t hindi kasinlakas ng two-dose COVID-19 vaccines ng Pfizer at ng Moderna, at may kahinaan (57% lang) kontra sa South African variant ng virus, madali lang umanong gamitin ang Johnhson&Johnson vaccine na kayang tumagal ng ilang buwan sa refrigerator, ‘di tulad ng iba na kailangang frozen.

Imahe mula sa Johnson&Johnson

“The real headline result is that a single shot vaccine, capable of easy long-term storage and administration provided complete protection against hospitalization and death,” ayon kay Kevin Marsh, isang professor ng tropical medicine sa University of Oxford.

Pahayag naman sa Johnson&Johnson CEO na si Alex Gorsky, “We’re proud to have reached this critical milestone and our commitment to address this global health crisis continues with urgency for everyone, everywhere.”

Imahe mula sa Johnson&Johnson

Mag-a-apply ang kumpanya ng emergency use authorization (EUA) sa America pagpasok ng Pebrero. Posibleng ito ang maging ikatlong COVID-19 vaccine doon. Ang Pfizer at Moderna, na parehong may 95% efficacy rate, ang unang nabigyan ng EUA sa United States.

Sakali umanong mabigyan ng awtorisasyon, nakahanda ang Johnson&Johnson na mag-deliver ng 100 million doses sa US bago matapos ang June ng kasalukuyang taon.

Source :

Philstar, AP News

Loading…