Baron Geisler naging epektibo at mahusay na aktor dahil sa isang karanasang ‘di malilimutan

Imahe mula sa Instagram account ni Baron Geisler
  • Isang ‘di mallilimutang karanasan ang nag-udyok kay Baron Geisler upang husayan niya ang kanyang pag-arte
  • Ibinato raw ng director ng Tabing Ilog sa mukha niya ang script nang makalimutan niya ang kanyang linya
  • Ayaw daw niyang maulit ang ganoon kaya ipinangako niya sa sarili na magiging laging handa sa bawat eksena

Matinik na aktor si Baron Geisler. Patunay dito ang ilang awards na natanggap niya bilang artista kabilang ang Best Actor award sa 4th Cinemalaya Independent Film Festival noong taong 2008 at PMPC Best Single Performance of an Actor sa “Maalala Mo Kaya” noong 2005.

Imahe mula sa Instagram account ni Baron Geisler

Una siyang ipinakilala sa isang youth-oriented TV show na “Ang TV” noong dose anyos pa lang siya. Opisyal siyang naging miyembro ng Star Circle Batch 5 noong 1997 kung saan kasabayan niya sina John Lloyd Cruz at Kristine Hermosa.

Sa isang special solo press conference para sa kanya ng bagong management niya, ang Viva Artist Agency, ibinunyag ni Baron Geisler ang isang hindi malilimutang karanasan na nag-udyok sa kanya para husayan ang pag-arte.

Sabi niya, sa shooting ng “Tabing Ilog” noon ay ibinato ng direktor sa mukha niya ang script dahil nakalimutan niya ang linya niya.

“Nung Tabing Ilog kasi, si Direk Andoy, alas-dos ng umaga, blocking na. Kami, doon kasi hindi na kami bina-blocking. Parang sinasabi nila, ‘Block yourselves. Matatanda na kayo.’ Pagdating na dun sa take, hindi ko na alam linya ko. Eh, wala pa ako sa wisyo. So, binato n’ya yung script sa mukha ko,” pagbabalik-tanaw niya.

Imahe mula sa Instagram account ni Baron Geisler

Kuwento pa ng aktor, nag-walkout daw si direk kaya na-guilty siya. Simula raw noon ay ipinangako niya sa sarili na maging handa sa bawat eksena dahil ayaw niyang maulit muli ang nangyari.

“Pang! ‘Basahin mo ‘yan.” So, nag-walk out s’ya and I felt so guilty and I said, ‘I don’t want that to happen to me ever again.’ So, magmula nun, naging ready na ako sa bawat eksena,ani Baron.

Screenshot mula sa Viva Artist Agency video

Marami raw tumulong sa kanya para mapahusay ang kanyang pag-arte. Partikular niyang binanggit ang yumaong aktor na si Johnny Delgado at movie director na si Erik Matti.

Source :

Push, Newspapers

Loading…