Batang labis ang pasasalamat sa natanggap na pagkain, hinangaan

Imahe mula sa Facebook | Jewel Calerio
  • Natuwa ang netizens sa isang bata na labis ang pagpapasalamat sa nagbigay ng pagkain para sa kanila ng kaniyang ina
  • Kuwento pa ng uploader, ibinahagi ng bata na gusto niya ring makatulong sa mahihirap kapag nakaluwag sila sa buhay
  • Dagdag niya rin, hindi ito naghahangad ng sobra sa kaniyang pangangailangan dahil matapos na mabigyan ng pagkain ay hindi na ito humingi pa ulit sa ibang tao

Naantig ang netizens sa isang bata na abot-abot ang pasasalamat sa nagbigay ng pagkain sa kanila ng kaniyang ina. Pangako niya rin na kapag nakaluwag sa buhay ay tutulong din siya sa kapwa.

Imahe mula sa Facebook | Jewel Calerio

Kuwento ni Jewel Calerio sa isang Facebook post, hinihintay nilang ma-serve ang kanilang pagkain nang lapitan sila ng batang lalaki. Nakiusap ito kung puwede ba siyang ibili ng isang order ng pagkain na paghahatian nila ng kaniyang ina.

Pinagbigyan nila ito at natuwa raw si Jewel nang marinig niya ang kuwentuhan nila ng kalaro nito. “Ang daming tao ngayon, ‘no? ‘Pag ako naging mayaman, tutulungan ko lahat ng mahirap,” sabi raw nito.

“Nakatutuwa lang. He never asked for money. Tapos nagkukuwento siya kung saan siya lumaki, na matagal na siyang nanlilimos kaso pinaalis sila,” dagdag pa ni Jewel.

Napansin din niyang labis ang pasasalamat ng bata sa munting tulong na kaniyang iniabot. “He thanked us so many times. As in kada mapatingin siya sa amin, nagte-thank you siya. Nakatataba ng puso. Mas masarap mag-share ng blessings sa mga ganitong tao,” aniya pa.

Imahe mula sa Facebook | Jewel Calerio

Sabi pa ni Jewel, nakuntento na ang bata sa pagkain na binigay niya at hindi na nanghingi pa ng limos sa iba.

“Ang maganda sa bata, kahit na ganoon ang estado niya sa buhay, hindi siya mapagsamantala. ‘Yong ibang bata sa daan mas gusto nila ng pera kesa pagkain. May iba na hihingian lahat. Siya, okay na sa ibinigay namin. Hindi na siya lumapit or nanghingi sa iba.”

Hiling ni Jewel, makamit sana ng bata ang kaniyang pangarap upang makatulong din siya sa mga mahihirap. “May God bless you and answer your prayers. I hope to see you helping more soon.”

Ganito rin ang panalangin ng netizens na natuwa sa kuwentong ito ni Jewel. Sa kasalukuyan ay may mahigit 27k reactions at 14k shares na ito.

Source :

Facebook

Loading…