Batang may 2 subscribers noon, ipinagdiwang ang pagkakaroon ng 200k subscribers

Imahe mula kay Mary Grace Escober
  • Mula sa dalawa ay may mahigit 200k subscribers na ang batang si Mary Grace Escober
  • Bumuhos ang suporta para sa bata matapos niyang ipagdiwang ang pagkakaroon ng dalawang subscribers
  • Nagpasalamat naman siya sa mga sumusuporta sa kaniyang vlog, kabilang na iyong nag-eedit ng vlog para sa kaniya

Naaalala mo pa ba ang siyam na taong gulang na batang nagdiwang noon matapos na magkaroon ng dalawang subscribers sa kaniyang YouTube channel?

Imahe mula sa YouTube | Mary Grace Escober

Lalo siyang nagkaroon ng dahilan upang magdiwang matapos na umabot sa mahigit 200k ang kaniyang subscribers.

Sa isang vlog ay ibinahagi ni Mary Grace Escober ang naging pagdiriwang niya ng milestone na ito. “Thank you po sa lahat ng nag-subscribe sa akin. Thank you po sa lahat ng sumusuporta sa akin. Sana patuloy n’yo po akong suportahan. Thank you, Lord, for everything.”

Aspiring vlogger celebrates after having 2 subscribers, now has over 64,000 followers

Madalas na ipinagdiriwang ng YouTube vloggers ang milestones sa bilang ng kanilang taga-subaybay.

Tila sila ang naging inspirasyon ni Mary Grace upang magpasalamat sa kaniyang unang dalawang subscribers sa pamamagitan ng pagbili ng cupcake na sinulatan niya ng “2 subs” at saka nilagyan ng mga palito ng posporo upang magsilbing kandila. Sa isang papel ay nagsulat din siya ng “2 Subscribers. Thank you.”

Imahe mula sa YouTube | Mary Grace Escober

Bumuhos ang suporta para sa bata dahil marunong siyang magpasalamat gaano man kaliit ang biyayang kaniyang natanggap. Sa loob lamang ng isang araw ay umabot na sa 100k ang kaniyang subscribers.

Kabilang ang aktres na si Kiray Celis sa na-inspire kay Mary Grace kaya naman pinromote niya ang YouTube channel nito.

“Hindi ko siya kilala. Pero suportahan natin ‘yong pangarap ng batang ‘to. Malayo mararating mo, baby girl basta maging humble ka lang palagi at magpapakabait sa magulang mo. Subscribe tayo sa kaniya,” ani Kiray.

Bukod sa mga nag-subscribe ay may mga netizen din na nag-volunteer na mag-edit ng vlogs ni Mary Grace upang matulungan siyang mas mapalago pa ang kaniyang channel.

Panoorin ang kaniyang vlog:

Loading…