Bilang pagdiriwang ng 1st wedding anniversary, Mikael ibinahagi ang larawan ng natutulog na si Megan sa kanilang reception

Imahe mula sa Instagram | Megan Young
  • Ipinagdiwang nina Megan Young at Mikael Daez ang kanilang unang wedding anniversary at ika-10 anibersaryo bilang magkasintahan
  • Pinost ni Mikael ang larawan ni Megan habang natutulog noong kanilang reception habang ibinahagi naman ni Megan na emosyonal sila habang iniisip ang marami pang taong pagsasamahan
  • Ikinasal ang dalawa sa isang intimate wedding ceremony sa Caleruega noong isang taon

Bilang pagdiriwang ng kanilang unang wedding anniversary ay ibinahagi ni Mikael Daez ang larawan ng natutulog na si Megan Young sa kanilang reception noong isang taon.

Imahe mula sa Instagram | Mikael Daez

“I’d like to look back at what happened a year ago. Unfortunately, not much can be remembered as my wife spent most of her night like this during our wedding reception. Buti na lang masunurin akong asawa and I followed suit by knocking out shortly after as well,” kuwento ni Mikael.

Samantala, ibinahagi naman ni Megan na naging emosyonal sila ni Mikael habang iniisip ang marami pang taon na pagsasamahan nila.

“One year married to my Fofo and officially 10 years together. Sabi ko kay Fofo, it’s crazy how we’re growing old together. We sat in silence for just a bit, thinking about the days and years ahead,” ani Megan.

Imahe mula sa Instagram | Megan Young

“I then looked at him and we were both teary eyed. Cheers to more years together! Looking forward to our future – Lola Bonez and Lolo Fofo,” dagdag niya.

Ikinasal sina Megan at Mikael sa isang intimate wedding ceremony sa Caleruega na dinaluhan lamang ng 10 katao.

“We were crying the whole time. As in pag-start pa lang ng homily, ‘yon ‘yong start ng iyak namin. Hanggang dulo umiiyak kami. It was so nice and I think one of the reasons why we were crying kasi nung moment na ‘yon, parang feeling ko kaming dalawa lang and ‘yong priest,” sabi ni Megan noon sa isang pahayag sa GMA.

Loading…