Carla Abellana, Rafael Rosell kinilala sa isang prestigious award-giving body sa Vietnam

Imahe mula sa TodayTV
  • Carla Abellana at Rafael Rosell kinilala sa Vietnam dahil sa kanilang pagganap sa “Because of You”
  • Si Carla ang itinanghal na Most Favorite Actress at si Rafael naman ang Most Favorite Actor sa 7th Face of the Year Awards
  • Wagi naman ang “Because of You” bilang Most Favorite Foreign Drama Series

Nagbigay ng karangalan sa bansa ang mga Kapuso stars na sina Carla Abellana at Rafael Rosell nang  bigyan sila ng pagkilala ng isang prestihiyosong award-giving body sa Vietnam dahil sa pagganap nila sa isang teleserye.

Screenshot ng post ni DirekMark

Si Carla ang itinanghal na Most Favorite Actress at si Rafael naman ang Most Favorite Actor sa 7th Face of the Year Awards na ginanap sa Ho Chi Minh City noong ika-6 ng Enero dahil sa mahusay nilang pagganap sa “Because of You”  noong 2015.

Wagi naman ang naturang teleserye bilang Most Favorite Foreign Drama Series.

Hindi nakadalo sina Carla at Rafael sa gabi ng parangal dahil sa travel restrictions na ipinatutupad kaugnay ng COVID-19 pandemic, subalit nagpadala naman sila ng mensahe ng kanilang pasasalamat sa pamamagitan ng video.

Ibinida pa ng aktres sa kanyang social media account ang parangal na kanyang natanggap.

“God, thank you for this amazing blessing! And THANK YOU to all my fans who voted for me all over the world, most especially to my Filipino and Vietnamese fans! God bless you all! Thank you, IMC! Thank you @kenh_todaytv ! I can’t wait to come back!” post ni Carla sa Instagram.

Imahe mula sa TodayTV

Binati rin niya si Rafael sa award na natanggap at ang “Because of you.”

“P.S. Congratulations to my co-actor @rafrafrosell for winning in the Favorite Foreign Actor category and to our show, Because of You, for winning Best Foreign Drama,” sabi pa ng aktres.

Nagbigay din ng mensahe ng pasasalamat si Rafael, unang-una sa GMA, at higit sa lahat ay sa Vietnamese award-giving body at Vietnamese fans.

Imahe mula sa TodayTV

Loading…