Cavite binawi ang $10-B Sangley airport project award mula sa Chinese company

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Binawi ng Cavite ang notice of award ng Sangley airport mula sa Chinese company
  • May nakita raw na ‘deficiency’ sa dokumento ng consortium, ayon kay Gob. Remulla
  • Naghahanap na ng bagong partner ang lalawigan para matuloy ang proyecto

Kinansela ng lokal na pamahalaan ng Cavite ang proyektong Sangley airport na ini-award ng lalawigan sa Chinese company na China Communications Construction Co (CCCC).

Ang $10-B project ay napanalunan ng consortium ng CCCC at MacroAsia Corp sa auction noong 2019 at ito ay gagawin sa pakikipagtulungan ng lokal na gobyerno ng probinsya.

Screenshot mula sa Facebook video ni Gov. Remulla

“The notice of selection and award for the Sangley Point International Airport Project issued on 12 February 2020 was cancelled,” ayon sa Macro Asia sa disclosure nito sa stock exchange nitong Miyerkules.

Sa panayam ng Reuters, sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na mayroon silang nasilip na ‘deficiency’ sa tatlo o apat na items na nasa documentations ng consortium.

“We saw it as a sign they were not fully committed to the project,” ani Remulla.

Kinumpirma rin ito ng gobernador sa kaniyang Facebook post. Aniya, maghahanap ang lalawigan ngayon ng panibagong partner sa pribadong sektor para ituloy ang pagpapatayo ng naturang proyekto.

Imahe mula sa The Exciting Centennial of Philippine Aviation

Ang  China Airport Construction Corporation (CACC) na subsidiary ng CCCC ay isa sa mga kumpanyang na-blacklist ng Estados Unidos dahil sa pagkasangkot umano nito sa paggawa ng mga artipisyal na isla sa West Philippine Sea.

BASAHIN: Sangley Airport project may go-signal na kay Pangulong Duterte – Palasyo

Nauna nang binigyan ng go-signal ng Malakanyang ang proyekto noong Agosto.  Ang consortium ng CCCC at ng MacroAsia Corp. ni Lucio Tan ang nag-iisang bidder sa Sangley Point International Airport Project.

Samantala, nilinaw naman ni Remulla na walang kinalaman sa pag-blacklist ng US ang pagkansela nila sa nabanggit na project.

Maaari pa rin umanong sumali ang CCCC-Macro Asia consortium kapag ipina-rebid na ang proyekto.

Loading…