Cherry Pie Picache at anak na lalaki sa isang beach photo, napagkamalang ‘couple’

  • Sinagot ni Cherry Pie Picache ang isang netizen na tinawag siyang “cougar”
  • Kaugnay ito ng mga IG post niya kasama ang isang binatilyo sa Boracay
  • Ipinaliwanag niya na anak niya ang kasa-kasama sa mga larawan; humingi naman agad ng patawad ang naturang netizen

Isa sa mga mahuhusay at batikang aktres ng Philippine showbiz si Cherry Pie Picache na talaga namang markado ang pagganap sa lahat ng uri ng roles na kaniyang natatanggap: ke isang inang mahirap, anak ng bida, hanggang sa pinakamaldita o nakatatawang kontrabida, drama man o komedya; kayang-kaya niyang gampanan nang mahusay. Napaka-versatile talaga!

Kung may pasilip man sa kaniyang pribadong buhay, iyan ay makikita sa kaniyang mga social media platforms.

Kamakailan lamang ay nagbakasyon ang premyadong aktres kasama ang kaniyang pamilya sa Boracay. Makikita sa kaniyang mga larawan sa Instagram post na may kasa-kasama siyang guwapong binatilyo, na inakala ng isang netizen na tila isang May-December na relasyon.

“You cougar’ you! Good for you. Enjoy life to the fullest,” saad sa comment section ng isa sa mga IG posts niya ng isang netizen.

Public Domain Image

Agad namang nagbigay-linaw ang aktres at ipinakilala ang naturang binatilyo na “the only man in her life” —  ang kaniyang anak na lalaki.

“He is my son and the only man in my life,” saad ni Cherry Pie sa komento.

Pumapatungkol ang salitang ‘cougar’ sa babaeng may edad na na pumapatol sa mga lalaking mas bata pa sa kanila.

Agad namang humingi ng dispensa ang naturang netizen na nagbigay ng maling interpretasyon sa kaniyang mga nakikita sa Instagram, nang  walang pagsasaliksik na ginagawa.

“I am very sorry for my wrong interpretation. Sorry again. May God continue to bless you both with endless love and togetherness,” saad ng naturang netizen, na umaming matagal na siyang tagahanga ng aktres dahil sa “beauty and spirittuality” nito.

Imahe mula sa Instagram account ni Cherry Pie Picache

Ang 18-year-old na anak ni Cherry Pie na makikitang kasa-kasama niya sa mga IG posts ay si Antonio “Nio” Tria, na anak nila ng ex-partner na si Gerry Tria.

Sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine noong Marso 2020, nagtapos na sa high school ang binatilyo. Isa rin itong mahusay na atleta sa larangan ng tennis. Sa katunayan, nagwagi ito ng medalya sa International Tennis Federation (ITF) competition na ginanap sa bansang Vietnam noong 2016.

Sa kasalukuyan, bahagi si Cherry Pie ng teleseryeng “Walang Hanggang Paalam” sa Primetime Bida ng Kapamilya Channel sa cable at A2z Channel 11.

Loading…