China magdo-donate ng 500,000 doses ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas

Imahe mula sa DFA
  • China magdo-donate ng 500,000 doses ng COVID-19 vaccine
  • Dahil donasyon, ang China ang pipili kung saang pharmaceutical company manggagaling ang bakuna
  • Ang donasyon ay bilang pagtupad sa naunang ipinangako ni Chinese President Xi Jinping na bibigyan ng prayoridad ang Pilipinas kapag may COVID-19 vaccine na

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nangako ang China na magdo-donate ng 500,000 doses ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Imahe mula sa DFA

Ang Chinese State Councilor at Foreign Minister na si Wang Yi mismo ang nagsabi kay DFA Secretary Teodoro Locsin, Jr. tungkol sa planong donasyon, ayon sa DFA.

“The State Councilor informed the Secretary of China’s intention to donate 500,000 doses of vaccines to the Philippines, in keeping with President Xi’s commitment to President Duterte,” saad ng DFA statement.

Ayon pa sa DFA, ang China ang pipili kung saang pharmaceutical company manggagaling ang ido-donate na bakuna.

“Since it is a donation, it will be up to the donor normally to determine which companies the vaccine will come from, but China has said it will take into consideration our side’s needs,” pahayag ni Foreign Affairs executive director for strategic communications Ivy Banzon-Abalos.

Imahe mula sa PIA

Ang donasyon ay bilang pagtupad umano sa nauna nang ipinangako ni Chinese President Xi Jinping na nagsabing bibigyan nito ng prayoridad ang Pilipinas sa sandaling maging available na ang COVID-19 vaccine na kanilang dini-develop.

“In our discussion today, we will also share with you my old friend, China’s stocks and announcements of China’s decision regarding vaccine cooperation,” Wang said in Mandarin,” pahayag ng Chinese Foreign Minister.

Personal ding sinabi ng Chinese official kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tungkol donasyon sa kanilang pagpupulong na tumagal ng 40 minuto.

Imahe mula sa PCOO

Samantala, sinabi ni Senator Francis “Kiko”Pangilinan hindi dapat ma-pressure ang Pilipinas na aprubahan ang paggamit ng Chinese COVID-19 vaccine dahil lang sa naturang donasyon.

Hindi raw dapat “political goodwill” ang basehan sa pag-approve ng COVID-19 vaccine kundi siyensya at mga datos at resulta ng mga isinagawang clinical trials.

Loading…