Chinese firms hihingi sa FDA ng emergency use authorization para sa kanilang COVID-19 vaccines

Imahe mula sa DW
  • Dalawang Chinese pharmaceutical companies ang nag-apply ng EUA sa FDA
  • Sinabi ni Philippine ambassador to China Chito Sta. Romana na anumang araw ngayong linggong ito ay isusumite ng Sinopharm at Sinovac ang kanilang application
  • Binigyan ni Pang. Duterte ng kapangyarihan ang FDA na mag-isyu ng EUA

Dalawang Chinese pharmaceutical companies ang nakatakdang mag-apply sa Food and Drug Administration ng Pilipinas ng emergency use authorization (EUA) para sa COVID-19 vaccines na kanilang na-develop.

Screenshot mula sa PTV video

Ipinahayag ni Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana sa ginawang briefing sa Malacañang noong Lunes, January 4, na planong isumite sa FDA ng dalawang Chinese firms – ang Sinopharm at Sinovac – ang kanilang application anumang araw ngayong linggong ito.

“Our embassy is in touch with these two companies, of course, and we try to facilitate their contact with IATF and if there’s any information that’s needed. We asked when they will file for EUA sa FDA sa Pilipinas. Apparently, their plan right now, according to them, is that they hope to file in the next few days. Some time this week, they will file their EUA application with FDA in the Philippines,” pahayag ng ambassador.

Ayon pa kay Sta. Romana, aprubado na sa China na gamitin sa kanilang bansa ang Sinopharm vaccine, samantalang hindi pa aprubado ang bakuna ng Sinovac.

Imahe mula sa Nikkei Asia/CGTN

Samantala, ibinahagi ni FDA Director General Eric Domingo na sa ngayon tanging ang US-based Pfizer ang may EUA application sa bansa. Kapag nagbigay ng approval ang FDA, ang Pfizer COVID-19 vaccine ang unang aprobadong bakuna para gamitin sa bansa.

Sa ilalim ng Executive Order Number 121 mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, binigyan ng kapangyarihan ang FDA na mag-isyu ng EUA upang ang approval sa paggamit ng COVID-19 vaccine  ay mapabilis sa isang buwan na lang sa halip na anim na buwan.

Imahe mula sa DW

Loading…