Claudine Barretto kina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria: I want them to be happy

Imahe mula sa Instagram | Noel Ferrer at Claudine Barretto
  • Kay Raymart Santiago mismo hiningi ni Claudine Barretto ang number ng rumored girlfriend nito na si Jodi Sta. Maria
  • Ani Claudine, magkaibigan sila ni Jodi kaya nais niya na maging masaya sila
  • Hiling niya lang, sana ay hindi kalimutan ni Raymart ang mga responsibilidad niya sa kanilang mga anak

Inamin ng aktres na si Claudine Barretto na tinawagan niya ang rumored girlfriend ng ex-husband na si Raymart Santiago na si Jodi Sta. Maria.

Imahe mula sa Instagram | Jodi Sta. Maria

Sa isang panayam sa PEP ay sinabi ni Claudine na kay Raymart niya mismo hiningi ang number ni Jodi na naging malapit na kaibigan niya matapos nilang magsama sa isang teleserye noong 2007.

“I was very, very close to Jodi. That is why I felt so bad na hindi niya sinabi. Ang ginawa ko, kinuha ko ang number niya kay Raymart at ako ang tumawag sa kaniya. Nagkausap kami,” sabi ni Claudine sa PEP.

May pakiusap daw si Claudine kina Raymart at Jodi ngunit hindi raw nila ito nagawa. Sa kabila nito ay hiling daw ni Claudine ang kaligayahan ng dalawa.

Imahe mula sa Instagram | Raymart Santiago

“Happines lang talaga ang ano ko sa kanila. I think everybody deserves to be happy. Kahit hindi kami nagkakasundo ni Raymart, at the end of the day, I want them to be happy,” dagdag niya pa.

Sana lang daw ay huwag kalimutan ni Raymart ang mga responsibilidad niya bilang ama ng kanilang mga anak.

“Ang akin lang, huwag lang niyang kalimutan ang mga responsibilidad niya. Kasi medyo hindi niya nagagawa ‘yong dapat niyang gawin, e. Hindi siya sumusunod, e. ‘Yon lang naman ang akin. Kung anong meron sila sa buhay nila, okay, go,” aniya.

Matatandaang naging usap-usapan ang relasyon nina Raymart at Jodi matapos nilang makuhanan ng larawan na magkasama. Sa isang litrato ay makikitang magkayakap pa sila.

Nasa proseso pa ng annulment sina Claudine at Raymart. Samantala, annulled naman si Jodi kay Pampi Lacson na ama ng kaniyang anak na si Thirdy.

Source :

PEP, DF Buzz

Loading…