Close contacts ng Pinay na may bagong COVID variant, na-swab test at naka-quarantine na – DOH

  • Natukoy at sumailalim na sa swab testing ang mga close contacts ng Pinay sa Cagayan Valley na nagpositibo sa bagong COVID variant sa HK
  • Ganito rin ang ginawang hakbang ng DOH sa mga nakasalamuha ng OFW sa Maynila
  • Nauna nang sinabi ng DOH na isang 30 anyos na OFW mula Cagayan Valley ang nabanggit na Pinay

Natukoy na at naisalalim na rin sa swab testing ang mga nakasalumuha ng Pinay OFW sa Hong Kong na mayroong bagong COVID-19 variant, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes, ika-8 ng Enero.

Bukod dito, naka-quarantine na rin umano at binabantayan ang mga nasabing close contacts ng Pinay na nagmula sa Cagayan Valley.

Screenshot mula sa ABS-CBN Video

“In Solano, Cagayan [Valley] kung saan siya nanggaling, atin na pong na-coordinate na. Napuntahan na po itong close contacts at nakuhanan na po ng swab for RT-PCR at ito pong specimen din for genome sequencing ay nagawa na,” bahagi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire sa isang online briefing.

“Naipadala na po itong specimen na ito sa Philippine Genome Center. They are currently quarantined and being monitored,” dagdag pa ng opisyal.

Read: OFW mula sa Cagayan Valley na may bagong COVID variant, nagnegatibo sa test bago lumipad patungong HK

Ganito rin umano ang ginawa nila sa mga nakasalamuha ng Pinay OFW sa Maynila kung saan pinuntahan ang manning agency ng huli at nagsagawa ng contact tracing. Lahat na rin ng posibleng nakasama ng babae ay na-swab test na, ayon pa kay Vergeire.

Samantala, inaalam pa kung kailan nakauwi sa Pilipinas ang OFW bago ito lumipad muli patungong Hong Kong noong Disyembre 22.

Magugunitang sinabi ng health authorities sa HK na isang pasahero mula sa Pilipinas ang nagpositibo sa bagong COVID variant matapos itong isailalim sa RT-PCR test noong Enero 2.

Imahe mula sa CNN Philippines

Napag-alaman kinalaunan ng DOH na ang nasabing traveler ay isang 30 anyos na Pinay mula sa Cagayan Valley na umalis sa kanilang probinsiya noong Disyembre 17. Disyembre 18 ay dumating siya sa Maynila at sumailalim sa quarantine protocol bilang requirement sa kaniyang pinagtatrabahuan.

Noong Disyembre 19 ay sumailalim siya sa COVID-19 test at negatibo ang resulta. Bumiyahe siya patungong Hong Kong Disyembre 22 at sumailalim sa quarantine protocol doon.

Ika-2 naman ng Enero nang muli siyang ipasailalim sa RT-PCR testing sa HK at nagpositibo ang swab test kung saan na-detect ang bagong COVID variant.

Loading…