Cold storage para sa COVID-19 vaccine inihahanda na ng Manila City government

Imahe mula sa China Daily
  • Magpapagawa ng cold storage facility ang Manila City government para pag-imbakan ng mga COVID-19 vaccines
  • Magkakaroon ng 12 refrigeration units ang pasilidad na kasya ang 300,000 vaccines
  • Bukod sa mga freezers ay bibili rin ang city government ng 50 transport coolers na paglalagyan ng mga bakuna kapag ibibiyahe ang mga ito

Magpapatayo ng cold storage facility ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila para mapag-imbakan ng mga COVID-19 vaccines na gagamitin para sa pagbabakuna sa mga residente ng lungsod.

Screenshot mula sa The Star video

Noong Lunes, Ika-1 ng Enero, ipinahayag ni Mayor Isko Moreno ang plano ng city government na magpagawa ng isang cold storage facility na mayroong labindalawang refrigeration units para sa COVID-19 vaccines.

Bukod pa sa cold storage facility, bibili rin ang lokal na pamahalaan ng limampung transport cooler na paglalagyan ng mga bakuna kapag ang ito ay ibibiyahe.

Kasya sa 12 refrigeration units, na inaaasahang ide-deliver sa mga darating na buwan, ang hanggang 300,000 vaccines. Maaaring iimbak sa mga ito ang iba-ibang brands ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer, AstraZeneca, Moderna, Johnson & Jonhson, Novavax at Sinovac.

Ang mga freezers at transport coolers ay nagkakahalaga umano ng walong milyong piso.

Ang cold storage facility ay itatayo sa loob ng Sta. Ana Hospital sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Grace Padilla. Sa naturang pagamutan naroroon ang Manila Infectious Disease Control Center.

Imahe mula sa Manila PIO

Inihayag naman ng Manila Public information Office noon ding Lunes na nakapirma na sa isang kasunduan ang Manila City government para sa pagbili ng 800,000 COVID-19 vaccines sa ilalim ng tripartire agreement kasama ang National Task Force on COVID-19 at Department of Health.

Tinatayang 400,000 Manila residents ang mabibigyan ng COVID-19 vaccine. Ibinatay ng city government sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kung sinu-sino ang bibigyan ng prayoridad sa bakuna.

Imahe mula sa Manila PIO

 

Source :

Philstar, Tribune

Loading…