Credit card ni Sen. Gatchalian na-hack, nagamit sa pag-book ng P1-M worth ng pagkain

Imahe mula sa Instagram | Sherwin Gatchalian
  • Umabot ng P1 million ang halaga ng na-book na pagkain gamit ang na-hack na credit card ni Sen. Win Gatchalian
  • Aniya, napalitan din ng hacker ang phone number na naka-register sa kaniyang card
  • Nakapag-file na siya ng police report kaugnay nito

Na-hack ang credit card ni Sen. Win Gatchalian at nagamit ito upang mag-book ng P1 milyong halaga ng pagkain.

“My credit card has just been hacked! May nag-order ng P1 million worth of food sa Food panda in less than an hour. Ano ‘yan, lauriat para sa buong barangay?” sabi ng senador sa isang tweet.

Imahe mula sa Twitter | Sherwin Gatchalian

Ibinahagi niya rin ang screenshot ng mga transaksyon. Ang unang booking ay naganap 4:47 p.m. noong Enero 5 kung saan P96,265 ang halaga ng na-book. Nasundan ito 4:56 p.m. ng parehong araw at P323,247 naman ang na-book.

Matapos ang ilang minuto 5:11 ng hapon, P356,517 naman ang nakuha. Ang huling transakyon ay naganap 5:49 p.m. at may halagang P300,851. Sa kabuuan ay P1,076,880 ang halaga na na-book ng kawatan.

Tinanong siya ng CNN achor na si Menchu Macapagal kung hindi ba kinumpirma sa kaniya ng credit card company ang mga transakyong ito, sinabi ni Sen. Gatchalian na pati ang registered phone number niya ay napalitan ng hacker.

“The hacker managed to change my registered phone number so he got the OTPs (one-time PINs). He knew what he was doing. I just do not know how he will eat a million worth of food,” tugon niya.

Imahe mula sa Instagram | Sherwin Gatchalian

Sa isang panayam sa DZBB, sinabi ng mambabatas na aktibo siya sa paggamit ng credit card ngayong panahon ng pandemya dahil iniiwasan niyang lumabas hangga’t maaari.

“Active kasi ngayong pandemic, nag-oorder tayo ng pagkain… Bumibili ng kung ano-ano kasi ayaw nga natin lumabas masyado pero hindi naman ganiyan na almost P1M worth sa Food Panda dahil kung oorder tayo malaki na yung P2k,” aniya.

“Sa panahon ng pandemya kung saan laganap ang online purchases, kailangang masiguro na mapoprotektahan ang ating mga kababayan at magagawang mas ligtas ang mga transaksyon,” sabi niya naman sa hiwalay na tweet.

Nakapag-file na raw siya ng police report upang maimbestigahan ang pangyayari.

Source :

Twitter, DZBB

Loading…