Dalawang Fil-Am, binigyan ni US Pres. Joe Biden ng posisyon sa gobyerno

Imahe mula sa US Embassy in the Philippines
  • Dalawang Fil-Ams ang nabigyan ng posisyon sa US government
  • Si Jason Tengco ay itinalagang White House Liaison Officer para sa US federal Office of Personnel Management
  • Si Gloria Diño-Steele ay itinalaga namang Acting Administrator ng USAID

Dalawang Filipino-Americans (Fil-Am) ang binigyan ni United States President Joe Biden ng posisyon sa gobyerno bilang pagtupad sa pangako niya na mag-assemble ng “diverse” at “talented” team sa kanyang administrasyon.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

“President Biden made a promise to the American people that he would assemble diverse and talented teams that look like America, and today he continues to fulfill that promise,” sabi ng incoming Chief of Staff na si Chris Canning.

Itinalaga bilang White House liaison officer ng US federal Office of Personnel Management (OPM) si Jason Benjamin Alinea Tengco na anak ng mga migranteng Pinoy. Isinilang at lumaki siya sa San Francisco Bay Area, nakapagtapos ng B.A in Political Science sa University of California in Los Angeles o UCLA at may master’s degree sa Public Affairs mula sa Goldman School of Public Policy sa New York.

Nagsilbi rin si Tengco bilang chief of staff ng Coalitions Department ng Biden-Harris campaign. Dati rin siyang nagsilbing Asian American and Pacific Islander Outreach Director para sa presidential campaign noon ni Hillary Clinton.

Imahe mula sa US Embassy in the Philippines

Samantala, itinalaga namang Acting Administrator ng USAID si Gloria Diño-Steele. Ipinanganak at lumaki sa Pilipinas na nag-migrate sa US noong isa pa lang siyang karaniwang empleyado ng USAID.

Sa Maryknoll College sa Quezon City siya nakapagtapos sa kolehiyo ng kursong Business Administration. May master’s degree siya sa Agricultural Economics mula sa Kansan State University.

Screenshot mula sa USAID video

Ayon kay Irene Bueno, na isa ring Fil-Am at nagsilbing special assistant kay dating US Pres. Bill Clinton mula 1999 hanggang 2001, umaasa siya na marami pang Asian-Americans ang mabibigyan ng posisyon sa Biden Administration.

Loading…