Dapat nga bang pigilan ang nagre-resign na empleyado sa trabaho?

  • “Going to work with a happy heart matters most.”
  • Iyan ang opinyon ng isang Vice President ng kompanya hinggil sa pagre-resign ng mga empleyado sa isang kompanya
  • Kailangan daw mag-isip ang mga employer o boss kung paano mapangangalagaan ang mga empleyado upang hindi sila magbitiw o lumipat sa ibang workplace

Ang relasyong propesyonal ng boss at mga empleyado ay mahalagang-mahalaga para sa ikatatagumpay ng isang kompanya. Ngunit sabi nga sa kasabihan sa Ingles, “People come and go.” Dumarating talaga sa puntong hindi napipigilan ang isang empleyado upang lisanin ang kaniyang pinagtatrabahuhan at humanap ng “greener pasture.”

Kaugnay nito, pinag-usapan ng mga netizens ang opinyon ng isang Vice President ng isang kompanya na nagngangalang “Zen Jaranilla” hinggil sa pagre-resign ng mga empleyado sa isang kompanya. Ibinahagi naman ito ng isa pang netizen na nagngangalang “Amora Maricel” sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Zen Jaranilla / Amora Maricel

Nakasaad sa post ng Vice President, kapag ang isang empleyado ay nagbigay ng resignation letter sa boss ng kompanya, ang inisyal na gagawin ng pamunuan ay pigilan ang empleyadong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag sa sahod o tinatawag na “counter offer.” Minsan, matagumpay naman ito, subalit kadalasan din, hindi ito kinakagat ng resigning na empleyado.

Kaya naman, ano nga ba ang dapat gawin? Dapat ba talagang pigilan ang nagre-resign na empleyado?

“Instead of counter-offer, employer should understand why employee resigns. Employers prepare programs on what make the employees stay but seldom on what makes employees leave,” saad ng naturang Vice President.

Nagbigay siya ng kailangang ikonsidera o gawin ng mga employer o boss.

“Don’t focus on the salary. Employment is not always about money. Appreciation at work, friendship, peace of mind, and the absence of toxicity at workplace matter to the employees. Going to work with a happy heart matters most.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Public Domain Image

“Very well said Ms. Zen Jaranilla. For me, toxicity talaga ang pinakamatimbang na rason kung bakit umaalis ang employee, more often, kung sino pa yung toxic, iyon talaga ang matigas mukha mag-stay sa company despite the fact na maraming kagaguhang ginagawa sa kompanya,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes. Very true! I like the last sentence. Going to work with a happy heart matters most.”

“Hindi lahat pera-pera. Kailangan, maganda rin ang workplace at hindi toxic. Kasi wala namang madaling trabaho. Mahirap na nga ang trabaho tapos toxic pa ang mga kasama, mapaparesign ka talaga,” saad naman ng isa.

Ikaw, sumasang-ayon ka ba rito?

Source :

Facebook

Loading…