Desisyon ng IATF na payagang makalabas ang mga batang 10-14 years old tablado kay Pres. Duterte

Screenshot mula sa Inquirer video
  • Binawi ni Pangulong Duterte ang desisyon ng IATF na payagan nang makalabas ng bahay ang mga batang may edad 10 hanggang 14
  • Ang pagbawi niya ay isang pag-iingat daw dahil sa natuklasang mga kaso ng UK variant ng COVID 19 sa Mountain Province at Benguet
  • Kabilang sa mga nahawahan ng UK variant ay mga batang edad 5 hanggang 10

Binaliktad ni Pangulong Rodrigo Dutrerte ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases payagang makalabas ng bahay ang mga batang may edad 10 hanggang 14 sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Screenshot mula sa CNNPH video

Wika ni Presidente Duterte, dapat pa ring manatili sa loob ng kanilang mga bahay ang mga batang 10 hanggang 14 ang edad dahil sa UK variant ng COVID-19 na nadiskubre sa Mountain Province at sa Buenget.

Akin is a precaution because there is or there was a strain discovered in the Cordillera that is very similar to the strain dito sa United Kingdom. How it got there is beyond me…but nandoon, nakita naman nila and I trust that our doctors, our medical workers are really competent enough to determine the situation existing. So balik ho kayo sa bahay muna,” anang Pangulo noong Lunes, January 25.

Sinabi pa ng Pangulo na ang ipinag-aalala niya ay ang mga balitang mas madaling makahawa sa mga bata ang UK variant ng COVID-19 kumpara sa orihinal na variant.

Imahe mula sa MB Online

“Takot lang ako kasi itong bagong strain strikes the young children. Itong original na Covid hardly if at all na wala kang marinig na may bata. Meron one or two, and you can count it by the fingers of your hands,” paliwanag niya.

Nauna nang ipinahayag ng DOH na kabilang sa mga nahawahan ng UK variant ay 5 years old hanggang 10 years old.

Source :

YouTube, ABS-CBN

Loading…