Dimples Romana may sweet na mensahe para sa kaarawan ng asawa

Imahe mula sa Instagram | Dimples Romana
  • Sweet na sweet ang naging mensahe ni Dimples Romana para sa kaarawan ng kaniyang asawang si Boyet Ahmee
  • Ani Dimples, laging nandiyan si Boyet upang magsilbing paalala ng purpose niya sa buhay
  • Hiling ng aktres, sana ay marami pa silang masasayang alaala na mabuo

Puno ng pasasalamat ang aktres na si Dimples Romana sa kaniyang asawang si Boyet Ahmee na nagdiwang ng ika-45 na kaarawan kamakailan.

Imahe mula sa Instagram | Dimples Romana

Sa kaniyang Instagram post ay sinabi ni Dimples na ginawa ni Boyet na mas “fun and full of excitement and adventure” ang kaniyang buhay.

“Often, I hear stories of love lost and love taken for granted, but this favorite GRINCH of mine has given me all reasons to celebrate life and love and its many ups and downs,” panimula ni Dimples sa kaniyang pagbati sa asawa.

“[He is] the one who keeps me sane, who keeps me inspired; the one who keeps me grounded and at the same time lifts me up. I have soared because of you,” dagdag pa ni Dimples sa mahabang Instagram post na dedicated para sa asawa.

Imahe mula sa Instagram | Dimples Romana

Kapag may mga pagkakataon na napapatanong si Dimples kung ano ang purpose niya sa buhay ay nagsisilbing paalala ang kaniyang asawa.

“In times when I forget what good I can contribute in this world and what purpose I have, all I need to do is look at you and you never fail to remind me of who I am and who has my back. I love you beyond words,” sabi pa ni Dimples.

“Cheers to the best teammate, confidant, lover, best friend and father of my children.”

Hiling ni Dimples, sana ay marami pa silang masayang alaalang mabuo.”Cheers to building more homes, achieving insanely huge dreams, to more quiet moments together, mentoring more young families, inspiring more marriages — my love for you will remain.”

Source :

Instagram

Loading…