Dimples Romana sa purple hair color: “Explore, discover and release your inner fierce boss lady “

  • Bagong hair color ang ipinasilip ni Dimples Romana para sa taong 2021
  • “Explore, discover and release your inner fierce boss lady” ang naging caption niya rito
  • Bilang paghahanda sa kaniyang mga nakalinyang proyekto, balik na ulit ang kaniyang buhok sa dark color

Positibo ang naging pagtanggap ng mga netizens sa bagong purple hair color ng mahusay na versatile actress na si Dimples Romana sa pagpasok ng 2021.

Sa kaniyang Instagram post, ipinakita ni Dimples ang kaniyang purple hair color na talagang pinusuan ng mga netizens, lalo na ang kalakip na caption nito.

Imahe mula sa Instagram account ni Dimples Romana

“Felt cute might delete never, maybe this look for another project?” saad ng aktres, na may mga nakalinya nang proyekto sa Kapamilya Network, kahit napapanood ang kanilang sitcom ni Ian Veneracion na “Oh My Dad” sa TV5 sa ilalim ng Brightlight Productions ni dating Congressman Albee Benitez.

Dagdag pa niya sa kaniyang #DimpsTips2021,  “Refuse to be put in a box. Explore, discover and release your inner fierce boss lady.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Bagay! Mukha siyang teenager. New year, new look!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Sobrang bagay po! Miss na miss ka na namin ng mga “DaniGirl fans mo, Miss Dimples! Balik ka na po sa ABS-CBN. We love you!”

“Two thumbs up! Fresh na fresh tingnan, parang bumata. Nawala ang Daniela look na mataray at masama ang ugali,” pahayag naman ng isa.

Subalit sa isa pang Instagram post, makikitang bumalik na sa dark color ang kaniyang buhok bilang paghahanda sa kaniyang mga proyekto sa Kapamilya Network.

Imahe mula sa Instagram account ni Dimples Romana

“Going back to my dark hair color in preparation for MMK (Maalaala Mo Kaya) and teleserye a blessing filled 2021 indeed,” saad niya; bagay na ikinatuwa naman ng kaniyang mga tagahanga.

Bagama’t mahusay sa kaniyang ginagampanang supporting roles, mas sumikat si Dimples sa pagganap bilang “Daniela Mondragon” sa hit teleseryeng “Kadenang Ginto” bilang antagonista ni Romina Mondragon, na ginampanan naman ni Beauty Gonzales.

Loading…