Disneyland sa California ginawang super COVID-19 vaccination site

Imahe mula sa Laughing Place
  • Disneyland sa California ginawang vaccination center
  • Dumagsa ang maraming tao sa Disneyland para magpabakuna kontra COVID-19
  • Bukod sa Disneyland, ilang malalaking vaccination center ang nakatakda pang buksan upang mapabilis ang pagbabakuna sa publiko

Dumagsa ang maraming tao sa Disneyland sa Anaheim, California hindi para sumakay sa mga park rides kundi para magpabakuna kontra sa COVID-19.

Screenshot mula sa ABC7 video

Binuksan sa naturang theme park, na kilala bilang “The Happiest Place on Earth,” ang malaking COVID-19 vaccination center noong Miyerkules, January 13, kung saan umabot sa sampung libo ang nagparehistro sa unang araw ng online registration para magpabakuna.

“Today for many people getting vaccinated, it is truly the happiest place on Earth,” sabi ni Orange County supervisor na si Lisa Bartlet.

Ayon kay Andrew Do, acting chairman ng board of supervisors ng Orange County, aabot sa 7,000 ang kayang bakunahan kada araw sa Disneyland.

“There’s no better place to have our first super POD (point of dispensing) than right here at Disneyland, a travel destination for people around the world. Today marks an important step in combating Covid-19 and reclaiming our lives and livelihoods,” wika ni Do.

Screenshot mula sa ABC7 video

Sinabi ni California Governor Gavin Newsom ilan pang PODs ang nakaplanong buksan. Kabilang dito ang Dodger Stadium sa Los Angeles, Cal Expo sa Sacramento at Petco Park sa San Diego.

“We recognize that the current strategy is not going to get us to where we need to go as quickly as we all need to go. That’s why we’re speeding up the administration not just for priority groups but opening up large sites to do so,” pahayag ng gobernador.

Imahe mula sa Healthline

Kabilang sa mga high priority groups ang mga healthcare workers at senior citizens na edad 75 pataas. Pinag-aaralan na rin ng California government na isama sa priority groups ang mga nasa edad 65 pataas.

Loading…